Dalampasigan
Nag-umpisa ang lahat sa tabing dagat
Sa dalampasigan ay kasama kang nakatitig sa malayo
Habang pinapanood ang bawat paghampas ng alon
At ang paglubog ng araw
At sa banda roon ay makikita ang mga barkong
Naglalayag ng malaya
Ay bitbit ang pag-asa
Mga pangarap na nabuo nating dalawa
Na tila nakahandang tawirin ang dagat
Makamtan lang ang mga pangarap na ito
At doon din sa dalampasigang iyon
Ay gumawa tayo ng sumpaan na hindi tayo maghihiwalay
At sabay nating aabutin ang ating mga pangarap na nabuo
Saksi ang dagat sa ating sumpaan
Ang mga pangarap natin sa daluyong ng buhay
Ikaw ang kasabay sa paglalakbay sa buhay
Ngunit ngayon lahat ng ito’y parang tinangay ng hangin
Nawala na parang bula ang lahat ng binuo nating pangarap
Pinaghiwalay tayo ni tadhana
Hindi kana muling makakasama
Lahat ng ito’y magmimistulang ala-ala na lang
Hindi na maiibalik
Kahit na pilitin pa
At ngayo’y andidito sa dalamsapigan
Mag-isang pinagmamasdan ang mga alon
Hanggang sa muli.