“Best Tagalog Bakit Ganun? Quotes and Sayings”
Bilang mga tao, ipinanganak talaga tayo na mapagtanong tungkol sa lahat ng bagay. We are born inquisitive, sabi nga. Bakit ganito, bakit ganyan, bakit bakit bakit… lagi na lang tayong nagtatanong kung bakit. Tila ba hindi tayo nauubusan ng itatanong, minsan kahit sobrang liit lang na bagay, hinahanapan pa natin ng sagot, bakit nga ba ganoon?
Minsan sa sobrang pagtatanong natin, napapaaway pa tayo kasi hindi natin matanggap yung mga sinasagot nila sa atin, yung iba kasi nagpapaliwanag lang gigil na kaagad, kaya ang nangyayari gigil din tayo. Tayo kasi yung mga tipo na, kung hindi makuha sa magandang usapan, e daanin na lang sa gigilan, hahaha.
Hinanda ko para sa inyo ngayon yung karamihan sa mga kalimitang tanong na lagi nating naririnig, pero hindi naman natin masagot ng maayos. Sa halip kasi na sagutin natin, pati tayo, napapatanong na din sa isip natin. Bigla mo na lang naiisip na, “bakit nga ba ganun?”
“Nung Ang easy easy pa ng MATH pag kasama mo pa nagsosolve ang teacher. Pero pag exam na out of this world na ang mga tanong.”
“Oo nga, bakit parang andali dali lang ng mga problems sa math kapag pinapaliwanag ng teacher sa unahan, kayang – kaya nating isolve kahit gaano kahirap kasi andyan si Mam na pwedeng pag tanungan. Pero bakit pag – dating sa exam, di na tayo magkaintindihan? Bakit lagi tayong naguguluhan sa mga tanong na nasa test paper? Kailangan na ba talaga nating tanggapin na ang math ay isang kababalaghan?”
“Pag ang sumusunod-sunod ay MAGANDA/GWAPO ang tawag SECRET ADMIRER.. Pero pag PANGET ang tawag STALKER. bakit ganun?”
“Laganap kasi ngayon ang pagiging judgemental. Masyado na ngang nagiging assuming ang ibang tao dyan. Hindi naman kasi porke’t pangit ang isang tao na sumusunod sa inyo, stalker na agad. Wag ganun, hindi ba pwedeng holdaper muna? Kailangan talaga stalker agad? Minsan kasi, dapat muna nating siguraduhin ang isang bagay para malaman natin kung ano nga ba talaga. Okay din yun para iwas – tanga.”
“Bakit pag late ka pumapasok yung prof mo? Pero pag hindi ka late wala naman yung prof mo? Bakit ganon?”
“Yung tipong masyado kang napuyat last night tapos nung nagising ka, start na ng class kaya nagmamadali kang makapasok. Mapapagsabihan ka pa minsan ng prof mo pagdating mo ng room kasi nga na – late ka. May pagkakataon naman na ang aga mo magigising, tapos fresh na fresh ka pa pagdating room, halatang pinaghandaan mo talaga yung araw na papasok ka ng maaga, once in a blue moon lang kasi mangyari na mas nauna ka pa sa prof mo. Tapos magugulat ka bigla kasi absent pala ang prof mo at nasa bakasyon. Bangis nila, di ba?”
“Bakit pag umiinom tayo ng isang basong tubig parang ang hirap? Pero pag umiinom tayo ng redhorse kahit isang case parang kulang pa? Bakit ganon?”
“Wala kasing lasa minsan ang tubig kaya minsan ang hirap lunukin, di katulad ng redhorse, swabeng swabe ang dating. Pero bakit nga ba? Alam naman natin na mas okay inumin ang tubig lalo na kung nauuhaw tayo, pero bakit pagdating sa beer, kahit nakakailang bote na, feeling natin di pa din tayo nabubusog? Bakit nga ba?”
“Ba’t ganon? kapag pogi nakabuntis, kailangan panagutan. kapag panget nakabuntis, ipapa – barangay naman.bakit ganon?”
“Oo nga, bakit ganun sila? Discrimination ba ito, porke ba panget, wala ng karapatan? Wag ganun men!!! Dapat pantay lang ang trato, kung pangit nakabuntis, ipakasal mo. Kung pogi, ipakulong mo, este ipakasal mo din. Ginusto yun ng anak mo e, wala kang magagawa kung pangit man ang bf nya. It’s a matter of preference. Buti nga mabait ang anak mo, tinanggap nya kahit pangit. Kaya dapat ikaw din, be kind to animals, pre!”
“Ba’t ganun? Pag lalakeng GWAPO ang tumitingin sa babae ang tawag CHICKBOY.. Pero pag DI-GWAPO ang tawag MANYAK.”
“Di naman porke’t panget ang isang tao, manyak na, hindi dapat tayo nagjajudge base sa itsura. Dapat mas tinitingnan natin ang ugali ng isang tao bago tayo manghusga. Malay natin, bakla pala yung gwapong tumitingin sa’yo at yung pangit na tinatawag mong manyak, chikboy pala. E di nganga ka? Huwag kasi tayong basta basta manghusga, once kasi na maging judgemental tayo, mas panget pa tayo kaysa sa taong panget lang sa itsura.”
“Kapag naka overtake ka nang sasakyan, sasabihin mo “walang sinabi yung driver na yun” pero pa ikaw ang na overtake sasabihin mo “lang hiya, kaskaserong driver na yun” Bat ganun?”
“Ang tawag dyan “MAYABANG”, bakit nga ba ganon tayo? Ang gusto natin tayo lagi ang bida, kahit nasa kalsada tayo, tingin natin hari tayo. Okay lang sa atin na mang – overtake tayo ng iba. Ang taas kasi ng tingin natin sa sarili natin. Kaya naman kapag sila ang nang – overtake sa atin, galit na galit tayo. Hindi man lang natin naisip na yung nararamdaman natin ay katulad din ng nararamdaman ng mga taong in – overtake natin.”
“Bakit kaya ganun, buking mo na nga, lumulusot pa at ang best part, galit – galitan pa.”
“May mga tao lang kasi talaga na makakapal ang mukha. Yun bang huling – huli mo na nga sa akto, tumatanggi pa. Sila na yung gumawa ng masama, sila pa ang galit. Hindi na nila inisip na nakakasakit sila ng tao. bakit nga ba nangangalat na ang mga makakapal ang mukha? Nakakahawa ba yun? Sana naman hindi.”
“Kapag may itsura ka, ang hirap nilang maniwalang single ka, pero pag pangit ka, hindi nila matanggap na in a relationship ka.. bakit ganun?”
:Oo nga naman, porke ba pangit ang isang tao, wala na siyang karapatang magka lablayp? Kayo lang bang may mga itsura ang pwedeng magka dyowa? Wag ganun, pre. May karapatan din naman kami, este… sila pala na lumigaya. Tanggapin mo na lang kasi na naunahan ka nilang lumablayp. Huwag kang bitter. Darating din yung para sa’yo.”
“Bakit ganun, kung sino pa yung malapit ang bahay sila pa yung madalas na nali – late.”
“Baka naman kasi traffic lang sa kanila. O baka may naaksidente sa labas ng bahay nila. (tingin mo?) Minsan kasi intindihin din natin sila, hindi natin alam baka may nangyari lang sa kanila kaya di siya nakaalis kaagad ng bahay. O baka walang nasakyan. Intindihin mo na lang. “