Mahirap talagang magtrabaho sa ibang bansa. Kahit na anong hirap para sa pamilya gagawin maahon lang sa hirap. Yung kanilang sahod ipapadala sa atin kahit wala ng matira sa kanila basta merong maiabot sa pamilya na nasa pinas masaya na sila. Kahit nasa abroad at sinasabing malaki ang sahod hirap pa din silang makauwe taon taon dahil mas mabuting ipadala na lang sa pamilya yung kanilang ipapamasahe.
Titipirin ng isang magulang na nasa abroad ang kanyang sarili para lang mayroong maipadala sa kanyang pamilya.Kahit na hindi na siya makabili ng mga pansarili niyang gamit makapadala lang sa pamilyang nasa pinas. Hirap at lungkot ay titiisin maging masaya lang ang kanyang pamilya.
Sakit ng ulo , katawan at pagtitiis sa kanilang amo ang dinaranas ng mahal natin sa buhay upang mayroon silang maipadala sa pamilya. Lahat ay gagawin nila para sa kanilang mahal sa buhay kahit sila ay nahihirapan na. Mag papadala ng malaking kahon sa pinas na ilang taon nilang pinaghiran. Hindi madali ang gantong aspeto ng buhay kaya lagi natin silang ipagdasal upang malayo sa ano mang kapahamakan at bigyan ng lakas para patuloy nila tayong masuportahan.
Kahit na mayroong tayong pamilya na umaasa sa atin dapat marunong tayong magtabi ng kahit paano sa ating sarili. Mayroon tayong panggastos kung meron tayong gustong bilhin hindi naman dapat lahat ay ibibigay sa ating pamilya dahil pag nagkasakit tayo wala silang magagawa nasa malayo sila. Ang makakatulong lang sa atin ay ating mga sarili panu na pag nagkasakit tayo lalong walang aasahan sa ating pamiya kaya mas mabuting mayroon tayong nakatabing pera.
2 Comments
httpss://www.facebook.com/aimhealthwellness.com.ph
20 months pa…heheh