Bakit ako?
Bakit lagi nalang ako?
Sa araw-araw na pamumuhay ko ako nalang lagi ang nakikita niyo. Lagi nalang ba ganito, walang pag babago?
Mga mali kong nagagawa ang lagi ninyong napapansin. Araw-araw akong pinang hihinaan ng loob sa mga sinasabi niyo sa akin, at hindi ito madali para sa akin na halos araw-araw ay naririnig ang mga sermon niyo sa akin.
Araw-araw na puro sama ng loob ang nadarama, gabi-gabi na lumuluha iniisip na “bakit ganito kayo sa akin, hindi pa ba enough yung mga magaganda kong nagawa? bakit mga mali kong nagagawa ang nakatatak dyan sa isipan nyo?”
Hindi na ako maka kilos ng malaya, dahil iniisip ko na baka sa bawat galaw ko may makita na namang kayong mali.
Puso ko ay puno ng hinanakit, gusto kong magalit pero wala naman akong kalaban laban at hindi dapat dahil may respeto pa din ako sa inyo.
Napaka sakit ng mga sinasabi niyo! Kelan ba ako matatahimik?
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, gusto ko nang lumaban pero hindi naman tama!
Hanggang kailan pa ba magiging ganito, matitigil pa ba ang ganitong sitwasyon? Sana naman kahit minsan magawa niyo pa din maging proud sa mga ginagawa ko.
Gusto ko sana ipaglaban ang aking karapatan hindi lamang para sa aking sarili, kundi para sa iba pang kabataan na may ganitong karanasan. Pero hindi pa sa ngayon, naniniwala ako na balang araw maiintindihan din nila ako at magiging proud din sila sa pag tatagumpay ko.