Sa buhay madaming bagay ang magaganap
Masaya’t malungkot, masakit at masalimuot
May mga pangyayaring tumatatak sa isipan
At mga pangyayaring nagiging alaala na lang
Ngayon tignan mo ang iyong sarili
Nandiyan kat nakatayo nagmamasid sa paligid
Sa lugar kung saan kayo’y nagsimulang umibig
Ipikit mo ang iyong mga mata’t huminga ng malalim
Sa lugar kung saan alaala niyo’y nakatanim
Diyan kayo nagkakilala’t nagkausap
Isa’t isa’y tinulungan at dinamayan
Ginawang sandalan ang bawat isa
Nagtawanan at natutong magmahalan
Tatlong buwan na ang lumipas at ngayon kayo’y di na magkaibigan at nag iibigan
Huwag kanang magtaka kung saan nagsimula doon din magwawakas