Paano uunlad ang Pilipinas eh simpleng pag-pila hindi kayang gawin??
Nasa unahan ka na nga ng pila ng tren, akalain mong pagbukas ng pinto eh uunahan ka pa ng nasa likod mo? Sasalubungin pa nya ang mga taong palabas?Titignan ka pa nya habang ginagawa nya ang akto ng pagsingit?
Ganyan din ang eksena sa pag-sakay ng bus. Kung hindi mo pa nasubukang makipagsiksikan sa mga bus ng Maynila, maswerte kang nilalang.
Ano ba naman yan! Kulang na kulang talaga tayo sa disiplina, di tayo marunong sumunod kaya hirap na hirap tayo umunlad.