Maniniwala ka bang may mga taong mahirap mahalin, mahirap intindihin, mahirap kausapin, mahirap kasama sa buhay.
Pero bilib ka may nagmamahal sa kanila, at kapag tinanong mo kung bakit nyo mahal ang taong yun, ang sagot sa’yo, eh wala eh, mahal ko eh.
Ang mga taong ganito ay hindi na kailangan pa ng mga eksperto o payo para malaman mo na hindi na ito dapat mahalin, marami na syang ibinibigay na rason sa’yo along the way, marami ng hindi magagandang nangyari.