Noong araw I was so inlove with someone, pinaramdam niya sa’kin yung pag mamahal na akala ko ay mag tatagal.
Na alala ko pa noon mga binitawan niya’ng pangako na akala ko mapa-patunayan hanggang dulo ng aming pag mamahalan. Pero lahat ng yon nanatiling hanggang akala ko lang pala!
Maayos at masaya kaming nag simula, dahil nadala ako sa mga salita at pangako na wala naman palang katotohanan.
Na kampante ako sa mga ilang buwan na kami’y mag kasama, na panatag ang aking loob na hindi niya ako kayang saktan. Dapat pala hindi agad ako na niwala, dahil ako din pala ang mag dudusa sa huli.
Totoo nga ang kasabihan na “nasa huli ang pag-sisisi” ginising ako ng katotohanan na huwag basta basta ibigay ang buong tiwala sa isang tao, dahil sa huli ikaw din ang talo sa relasyon na sabay nyo’ng sinimulan.
Ang unfair ng mundo when it comes to love, siguro nga swertehan nalang makahanap ng taong magiging tapat at totoo.
Sobrang hirap na mag tiwala!Nag karoon na ako ng trust issue sa lahat ng taong nakikilala ko, kahit maganda naman yung intention nila, para bang sobrang hirap na paniwalaan. To the point na, nakakasakit na din ako ng damdamin ng ibang tao to prove na malinis yung intention nila sa’kin.
Kahit sarili ko na mismo nahihirapan din i-handle minsan yung ganitong situation, dahil parang nawalan na ako ng gana sa lahat, kahit anong please ng ibang tao sa’kin it’s always a “no” for me.
Because I don’t want to lose myself again, for now I just want to protect my peace of mind and that’s the important.
Lesson learned from my past relationships:)