Lagi mo rin bang natatanggap ang mga salitang ‘Reto naman dyan sis’ o kaya naman ay ‘Par baka may ire-reto ka dyan’? Anong tingin mo sakin, pre, sis, lumuluwa ng jowa?
Marami sa edad nating ito ang naghahanap, may ibang pinalad na makahanap na, o sa kasamaan palad naiwanan na at naipagpalit, ng jowa. Kung baga, ginawa na natin itong ‘trend’ dahil kapag wala ka nito, map-pressure ka.
Iisipin mo na may mali sayo kaya wala kang jowa which leads to your paghahanap na rin sa inyong someone.
Hindi naman talaga kailangan. Pero dahil sa pressure, sige friend pagbigyan edi hanapan.
Ang nakakaloka lang, pag andyan na, saka naman mag-iinarte at sasabihing ‘Hindi pa ako handa’
Bakit ka pa nagtanong kung may irereto ako diba?
Wag ka nang magpa-reto kung hindi mo rin kayang harapin yung relasyon dahil lang meron ang ibang tao.
Love takes time. Soon enough, makikilala mo rin ang para sayo. For more blogs, visit reklamador.com! Stay tuned and let us hear all your reklamos!