1.”Know yourself.”
Love yourself first, so you know what you deserve. Kilalanin mo muna ang sarili mo bago ang iba. Kung hindi mo kilala ang sarili mo, papano pa kaya kung ibang tao? Mahirap magmahal kung pate sarili mo hindi mo lubos na kilala. Kaya please, mahalin mo sarili mo. Alagaan mo.
2.”Accept your mistakes.”
Matuto tayong tumanggap ng sarili nateng pagkakamali. Hindi yung ikaw na nga yung may kasalanan, ikaw pa yung mas galit. Ikaw pa yung susuyuin, ikaw pa yung ma-pride. Hindi lahat ng tao matatanggap ang ganyang pag-uugali. Ikaw nga sa sarili mo hindi mo matanggap na nagkamali ka e, ibang tao pa kaya? Kaya matuto tayong tumanggap ng sarili nateng pagkakamali.
3.”Don’t compare yourself to others.”
Instead of comparing yourself to others, look in the mirror and be grateful for YOU! Never compare yourself or others to other people. May sari-sarili tayong struggle sa buhay. Everyone is who they are for a reason. Iba ka. Iba sya. Magkaiba kayo. Maging kuntento tayo kung ano ang ipinagkaloob saten.
4.”Accept that some people won’t like you.”
Yes. Kailangan mo nang tanggapin at i-embrace na may mga mga tao talagang kahit hindi mo kilala, hindi ka kilala, ayaw sayo. Yung tipong wala kang kaalam alam na may mga tao pala sa paligid mo na iba ang tingin sayo. Mahirap makisama. Kase kahit anong kabutihan at kagandahan ang ipakita mo sa kanila. May masasabi at masasabi pa rin sila.