Sa panahon ngayon, hanggang saan nga ba kayang dalhin ng minimum wage ang isang pamilyang kailangan kumain ng tatlong beses sa isang araw at may mga anak na pinag-aaral?(italicize) –Jorge Cariño
Mapapanood ang Krusada sa Huwebes, ika-3 ng Mayo, 2012, 9:15 ng gabi sa DZMM TeleRadyo at pagkatapos ng Bandila sa Channel 2.
Dahil ang tunay na paninindigan ay hindi puro salita lamang, making at makiisa sa Krusada at mag-kumento sa aming Facebook Fanpage! Huwag kalimutang i-“like” ang https://facebook.com/Krusada
Mapapanood ang replay ng Krusada tuwing Sabado, 1:30 ng hapon sa ANC.
Kapag maikli ang kumot, matutong mamaluktot. Ito ang matagal ng diskarte ng ating mga manggagawa dahil sa matagal ng kalbaryo sa maliit na pasahod.
Ang isang manggagawa ay nakakatanggap ng P426 kada araw kung siya ay nagtatrabaho para sa pribadong kumpanya. Mataas na kung ikukumpara sa minimum wage ng mga empleyado ng gobyerno. Pero sa ganitong sahod, dalawang tao lang ang mabubusog sa isang araw.
Sinasabing kung anim ang miyembro ng pamilya mo, pumapatak daw dapat ang budget mo sa halos isang libong piso na para lang sa makakain. Paano pa ang ibang gastusin?
Hindi kaila sa lahat ang sunod-sunod na pagtaas ng mga bilihin. Mula sa pamasahe, kuryente at tubig pati na rin sa matrikula ng mga bata, wala itong paawat. Kaya naman ang mga manggagawa, dagdag sahod ang dinadaing. Kung sakali kasing matupad ito, pihadong malaki ang maitutulong nito sa pamilya.
Susunod sa Krusada, ang usapin ng wage hike increase at ang pagbibigay ng balanse at pantay na karapatan sa mga empleyado ng mga kumpanyang kanilang pinapasukan.
Masusubukan ni Jorge Cariño ang magtrabaho bilang kaminero sa isang araw. Masasaksihan din niya ang trabaho sa pabrika ng bakal. Sa tindi ng init ng araw, kasabay ang pagod sa trabaho, gaano nga ba kahirap ang kumayod buong araw para sa kakarampot na sahod?
Parehonong gustong kumita at umasenso ng kumpanya at trabahador. At kung iisipin, pareho naman talaga silang may karapatan upang makamit ito. Pero sa panahon ngayon, paano ba mababalanse ang tamang kita ng kumpanya at sapat na pasahod para sa mga empleyado nito?