1.”Isipin mo lahat ng bagay na masasakit na ginawa nya.”
Oo iiyak ka nanaman jan, pero ok lang. Nagmahal ka kaya nasasaktan ka. Iiyak mo lang lahat ng sakit ng nararamdaman mo hanggat magsawa ka. Pero pag tapos mo ng iyakan.Bumangon ka at ipakita sa kanya na kaya mo kahit wala sya. Move on na kase, Move forward ha, not backward. Gawin mong lesson ang lahat ng nangyari sa nakaraan para hindi na maulit sa kasalukuyan at sa hinaharap.
2.”Wag ka ng umasa pa na babalikan ka nya.”
Kasi habang umaasa ka mas lalo ka lang masasaktan. Sinaktan at iniwan ka na nga, tapos aasa ka pa na babalik sya? Kung mahal ka talaga nya at ayaw nyang mawala ka sa kanya dapat umpisa palang hindi ka na nya iniwan. Edi sana hindi ka nasasaktan ngayon ng dahil sa kanya. Hindi lang sa kanya umiikot ang mundo mo. Marami pang taong pwedeng magmahal sa iyo ng totoo.
3.”Wag mo ng iniinstalk ang facebook nya.”
Mas lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo nyan eh, unfollow him/her. Or better iblock mo na lang.
Wag mo ng dagdagan ang sakit na nararamdaman mo. Kung ayaw mo syang makita na may iba ng kasama sa bawat pag upload ng mga pictures nila, Iblock mo sya. Kung yun yung mas makakagaan sayo. Pag okey na, pag tanggap mo na ang lahat saka mo sya i-unblock.
4.”Make yourself busy.”
Gumawa ka ng mapagkakaabalahan mo. Gumala ka pumunta ka sa mga kaibigan mo.Humanap ka ng bagay na makakapag pasaya sayo. Ilibang mo ang sarili mo. Magpakabusy ka hanggat gusto mo, walang mangyayare kung palage kalang nakakulong sa kwarto mo at nagmumokmok. Maiisip mo lang sya pag ganon ang gagawin mo.Kung binigyan ka niya ng maraming dahilan para masaktan, bigyan mo siya ng isang dahilan para ito’y kanyang pagsisihan.
5.”Wag kang humanap ng panakip butas.”
Wag na wag kang maghahanap ng taong gagawin mong panakip butas kung mahal mo pa. Masasaktan kalang lalo. Makakasakit ka pa. Alam mo naman siguro kung ano yung pakiramdam ng nasaktan. Sabihin na nating masakit! Oo naman as in masakit talaga yun, mahirap at minsan hindi na nga natin makilala yung sarili natin dahil sa sakit na yun.
6.”Love yourself.”
Kung hindi ka niya kayang pahalagaan, Pahalagaan mo na lang ang sarili mo. Hindi ko naman sinabing madaliin mo ang lahat, magagawa mo naman yan kung iisipin mo na kaya mo. Kung gugustuhin mong ipag patuloy ang buhay mo, at kung gugustuhin mong maging masaya para sa sarili mo