Sa panahon ngayon, kahit hindi magkasintahan, wagas kung mag tukaan HAHA! Tapos sa huli magsisisi at sasabihin “paasa ka!”, umasa ka kasi. Minsan kasi mahirap talaga pigilan lalo na at close na kayo. Ayaw mo naman mawala ang friendship nyo. Friendship pero para sayo iba na HAHA. Basahin ang ilan sa dahilan kung bakit ka uma-asa.
1. MARAMING PA-FALL SA MUNDO.
Wala naman kasing aasa kung walang paasa diba, Alam ng lahat ng tao yan. Yung tipong nanlilikaw ka tapos ieentertain ka nila tapos pag nakuha na nila yung gusto nila iiwan ka nalang sa ere na parang walang nangyari, Nakakaiyak diba sige iyak ka na! kasi naman yung mga nagpapaasa na yan makuha lang yung gusto masaya na kahit alam naman nila na nakakasakit sila! Mga walang konsensya!!! Di ba nila naisip na tao din tayo na nasasaktan kung sa kanila kaya gawin yun naku lang, Mga parasyte! Porket alam nila na may gusto ka sa kanila huhuthutan ka lang nila para maging masaya sila.
2. ASSUMING KA, CHECK THE LABEL!
ikaw naman kase porket malambing akala mo mahal ka na di mo alam hinuhuthutan ka nga lang nila dapat kase sinisigurado muna natin lahat. Hindi yung porket yinaya ka nyang lumabas may gusto agad sayo hindi ba pwedeng gusto nya lang magpalibre para mabusog sya ng di gumagastos. Wag kang Tanga!
3. KATI MO, KAMOT MO.
Kung di mo naman kasi sya lalandiin, kung di ka magiging tanga hindi ka aasa di ba pwedeng maging masaya ka nalang magisa? kailangan ba laging may kasama? kailangan ba laging may babae o lalaki? para saan pa ? para ipagyabang ? maging masaya ka nalang kasi na magisa. Hintayin mo nalang syang dumating wag ka ng maghanap.
4. HINDI KA MARUNONG MAG HINTAY.
Siguro naman maiinlove pag marunong kang maghintay diba. Minadali mo kase kaya akala mo pinaasa ka. Ang hindi mo alam sinusubok ka lang kung talagang faithful ka kung mahal mo talaga sya maghintay kase diba nga “Patience is a Virtue”. Aral muna HAHA!
5. AYAN KA NANAMAN, HINDI KA PA BA NADADALA?
Juice colored. Ready ka nanaman bang mag basa ng unan? Kahit pa sabihin mong sanay ka na dyan, masakit at masakit parin yan bes. Hindi ka ba naawa sa sarili mo o sadyang baliw ka na talaga? Tandaan mo, hindi ka patapon. May plano si God sayo. 😉
Ilan lang yan sa mga dahilan kung bakit ka umaasa at patuloy na umaasa hanggang sa mga oras na ito. Siguro nga hindi mo pa time na sumubok muli pero isip mo din ang sarili mo. Lahat tayo ay importante at nararapat na makaranas ng tunay at pangmatagalang pagmamahal. Akala mo gusto ko rin nya HAHA! Gising bes! Just wait for the best and hopefully the last. Good Life!