Sobrang hirap nga naman ng buhay sa mundo madaming gulo at sari-saring issue pero andito padin tayo lumalaban ng patas.
“Realtalk”
Eto realtalk walang umaangat sa buhay lalo na kung mapag mataas ka sa maliliit na bagay hindi ka maalam mag bigay hindi ka aasenso at mag tatagumpay
“Hindi porke bago ka ay ituturing kanang hari at reyna”
Ang hirap talaga pakisamahan minsan ng mga baguhan lalo sa trabaho kala mo kung sino na eh nag sisimula palang naman hindi porke fresh ka sa work mo e instant bait baitan ang mga boss mo sayo.
“Matutong kumapa at makisama”
Hindi sa lahat ng pag kakataon boss or manager ang nasusnod sa trabaho minsan pakinggan nyodin ang mga empleyado nyo, baka mamaya nasasakal na sila sa mga binibigay nyong rules oh task minsan matuto den kayong kumapa ng tao hindi yung negosyo o trabaho nyolang ang iniisip nyo, pag nawala yang mga katulong at empleyado nyo sinong mahihirapan diba kayo den.
“Hindi maganda ang maiingit”
Wag na wag kang mag tataka kung wala ka na meron sila, dahil iba iba ang tao at hindi parepreho kaya wag kang maiingit kung wala ka na meron sila, meron kadin naman na wala sila.
“Hindi lahat nakukuha sa swerte”
Hindi lahat ng pangarap mo ay inaasa monalang sa swerte gumawa ka ng paraan para makuha mo ang mga pangarap mo hindi dapat palaging inaasa sa swerte dapat dumidiskarte kadin.
“Wala ng pinipili maging praktikalan na lang”
Ang hirap pag-ganun ang style ng environment mo sa trabaho, dumadami yung mga pinapagawa sa’yo, pero hindi naman tumataas ang sweldo, sa tingin mo gaganahan ka ba pag-ganun pero wala kang magagawa sa hirap ngayon ng buhay hindi ka na lang mamimili pa mas iisipin mo na lang ang kapakanan mo.
“Hindi ka mag tatagumpay kung susukokanalang agad”
Araw araw kang lumalaban sa buhay kaya dapat hindi ka susuko sa kahit na anong pag subok ng buhay, kung nahihirapan kana mag pahinga kalang tas laban ulit, kung napapagod ka pahinga saglit at laban ulit walang nag tatagumpay sa nasuko agad.
“Alin ang mas mahalaga, yabang o pagtitipid?”
Tanong lang sa ating mga pinoy anong mas pinahahalagahan ng karamihan, ang kasikatan ba o ang kakayanan. Halimbawa na lang ng pagbili ng mga mamahaling bagay katulad ng iphone, may pambili ka ng iphone pero wala kang naiipon yung mas inuuna mo pa yung karangyaan at nakikiuuso ka pa sa karamihan kesa unahin ang sarili mong pangangailangan.
“Hindi pinag-iisipan ang mga bagay na binibili”
Kadalasan sa ating mga tao ay pinaiiral natin yung sarili nating kagustuhan, halimbawa may gusto kang bilhin, kahit hindi mo pinag-iisipan kung kailangan mo nga ba o gusto mo lang kase may pera ka, ganyan talaga ang karamihan sa atin eh, mas inuuna ang luho kesa sa kailangan talaga.