Pag walang tyaga walang nilaga , kasabihan ng mga matatanda pero tama naman nga pero sa ngayon hindi lahat kelangan pagtyagaan lalo na kung alam mo at ramdam mong nalulugi ka na at hindi na patas at tama ang labanan, sa ngayon kung hindi ka magiging matalino, matatalo ka lalo na kung wala kang diskarte sa buhay ngayon, kaya wag kang magtya-tyaga lalo na kung hindi na tama yung gawain na para sa’yo
“Mag isip,Umaksyon,Umasenso”
Trabaho ka ng trabaho tapos dika naman umaasenso sa totoo lang, tayong mga pilipino umaasa lang sa kompanya natin para sumweldo hindi tayo ang iisip ng paraan para maging mayaman, imbis na yung swledo mo gamitin mong puhunan sa isang negosyo ay ibibili molang ng kung ano ano, kaya wlang asesnso kase naka focus lang tayo, sa sasahodin natin hindi sa kung saan natin pedeng gamitin para mas lumago pa o dumami at hindi sa palugi.
“Mas matagal sya kesa sayo”
Sa trabaho hindi talaga nawawalan ng myembro na bidbida,tamad at asa normal lang na makakita ka ng ganyan sa isang trabaho lalo na kung bagohan kapalang mahirap den kase pakisamahan o mahirap den na magsabi ka ng kung ano baka mawlan ka agad ng trabaho. mag tyaga kanalang at wag mag reklamo dadating den ang araw na papabor den yun sayo
“Hindi kailagang maging mayaman para sa tunay na kaibigan”
Hindi mo kailangang maging mayaman para dumami ang kaibigan, ang tunay na kaibigan sasamahan ka nyan kahit wla kang yaman, sa tunay na kaibigan hindi mo kailangan na mapatunayan na madami kananag pera may bahay lupa kana para lang sila makipag kaibigan sayo o samahan ka sa mga lakad mo, ang totoong tao at kaibigan hindi tumitingin sa salapi ng kapwa, kundi da ugali at pakikisama.
“Mga marerek-lamong sipsip”
kahit gaano pa tayo kasipag oh kaloyal sa trabaho, talo parin tayo. sa mga taong sipsip at puro paninira lang ang alam, para maiangat ang sarili.
“Kung mahirap syang mahalin pero mahal mo pa rin”
Maniniwala ka bang may mga taong mahirap mahalin, mahirap intindihin, mahirap kausapin, mahirap kasama sa buhay. Pero bilib ka may nagmamahal sa kanila, at kapag tinanong mo kung bakit nyo mahal ang taong yun, ang sagot sa’yo, eh wala eh, mahal ko eh. Ang mga taong ganito ay hindi na kailangan pa ng mga eksperto o payo para malaman mo na hindi na ito dapat mahalin, marami na syang ibinibigay na rason sa’yo along the way, marami ng hindi magagandang nangyari.
“Puro reklamo ayaw naman gumawa ng pag babago”
May kilala kabang reklamdor, yung wla nang ginawa sa buhay kundi hanapin ang problema at doon naka focus at ang mga salita nya ay napakabigat, lahat naman yata tayo may ganyan sa buhay mapapamilya o kaya sa opisina,barkada lahat yata ng tumpukan ng buhay natin may taong ganyan palagi at hindi sila masyadong masayang kasama mga taong kahit simpleng problema lang pina bibigat ng mga salita nila pina pa grabe ang mga problemang magan lang sana, pero kapag sila na ang nag salita parang katapusan na ng mundo mga OA ang mga taong ito mga grabeng mag isip nagpapalala ng mga sitwasyon ang daming kwentong alam ang daming posibilidad na alam na pwedeng mangyari, pero kung papansinin mo lahat ng sinasabi nya, lahat papunta sa gulo.
“Wag kang mag hangad ng malaki kung tamad ka”
Napapaisip ka ba sa buhay mo ngayon kung bakit ganito, bakit ganyan ang takbo ng buhay mo? sino bang gumagawa ng kapalaran mo sa araw araw mong pamumuhay? sino bang kumikilos hindi bat ikaw. Kung gusto mong maging maginhawa ang buhay mo matuto ka munang dumaan sa paghihirap hindi yung gusto mo agad ng sarap, eh pano ka aasenso kung tamad at hindi ka maalam magtyaga wag maghangad ng malaki kung hindi mo naman kaya tapatan ng hirap at tyaga.
“Pag subok ay hindi dapat tinatakbohan”
Marami ka nang problemang pinag daanan sa buhay hindi na bago yan para sayo Kung kinaya mo noon mas kakayanin morin ngayon
“Hindi kailangan makipag unahan para masabing magaling ka”
Wag kang ma pepresure hindi naman contest ang buhay hindi naman required na dapat Mas magaling ka sa kanila hindi mo kailangan higitan yung iba Hindi mo din kailangan sapawan, mag focus kalang sa buhay mo dahil hindi mo naman kalaban Lahat ng tao ang kalaban mo ay ang sarili mo, kaya kailangan higitan mo yung mga nagawa mo noon Mas mag iimprove ka kung gagawin mo yan kaya kumalma kalang relax lang!!