1.”Know yourself.” Love yourself first, so you know what you deserve. Kilalanin mo muna ang sarili mo bago ang iba. Kung hindi mo kilala ang sarili mo, papano pa kaya kung ibang tao? Mahirap magmahal kung pate sarili mo hindi mo lubos na kilala. Kaya please, mahalin mo sarili mo. Alagaan mo. 2.”Accept your mistakes.” Matuto tayong tumanggap ng sarili nateng pagkakamali. Hindi yung ikaw na nga yung may kasalanan, ikaw pa yung mas galit. Ikaw pa yung susuyuin, ikaw pa yung ma-pride. Hindi lahat ng tao matatanggap ang ganyang pag-uugali. Ikaw nga sa sarili mo hindi mo matanggap na nagkamali ka e, ibang tao pa kaya? Kaya matuto tayong tumanggap ng sarili nateng pagkakamali. 3.”Don’t compare yourself to others.” Instead of comparing yourself to others, look in the mirror and be grateful for YOU! Never compare yourself or others to other people. May sari-sarili tayong struggle sa buhay. Everyone is who they are for a reason. Iba ka. Iba sya. Magkaiba kayo. Maging kuntento tayo kung ano ang ipinagkaloob saten. 4.”Accept that some people won’t like you.” Yes. Kailangan mo nang tanggapin at i-embrace na may mga mga tao talagang kahit hindi mo kilala, hindi ka kilala, ayaw sayo. Yung tipong wala kang kaalam alam na may mga tao pala sa paligid mo na iba ang tingin sayo. Mahirap makisama. Kase kahit anong kabutihan at kagandahan ang ipakita mo sa kanila. May masasabi at masasabi pa rin sila. 5.”Be kind to yourself.” Be kind. Take care. Have courage. Respect yourself. Dont forget to love yourself. Don’t hide. Don’t cry. Be smart. Depend yourself. Believe with all your heart. Sarili mo yan. Dapat ikaw nag-aalaga. Hindi ang ibang tao.
6 Tips Sa Pagmomove-on
1.”Isipin mo lahat ng bagay na masasakit na ginawa nya.” Oo iiyak ka nanaman jan, pero ok lang. Nagmahal ka kaya nasasaktan ka. Iiyak mo lang lahat ng sakit ng nararamdaman mo hanggat magsawa ka. Pero pag tapos mo ng iyakan.Bumangon ka at ipakita sa kanya na kaya mo kahit wala sya. Move on na kase, Move forward ha, not backward. Gawin mong lesson ang lahat ng nangyari sa nakaraan para hindi na maulit sa kasalukuyan at sa hinaharap. 2.”Wag ka ng umasa pa na babalikan ka nya.” Kasi habang umaasa ka mas lalo ka lang masasaktan. Sinaktan at iniwan ka na nga, tapos aasa ka pa na babalik sya? Kung mahal ka talaga nya at ayaw nyang mawala ka sa kanya dapat umpisa palang hindi ka na nya iniwan. Edi sana hindi ka nasasaktan ngayon ng dahil sa kanya. Hindi lang sa kanya umiikot ang mundo mo. Marami pang taong pwedeng magmahal sa iyo ng totoo. 3.”Wag mo ng iniinstalk ang facebook nya.” Mas lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo nyan eh, unfollow him/her. Or better iblock mo na lang. Wag mo ng dagdagan ang sakit na nararamdaman mo. Kung ayaw mo syang makita na may iba ng kasama sa bawat pag upload ng mga pictures nila, Iblock mo sya. Kung yun yung mas makakagaan sayo. Pag okey na, pag tanggap mo na ang lahat saka mo sya i-unblock. 4.”Make yourself busy.” Gumawa ka ng mapagkakaabalahan mo. Gumala ka pumunta ka sa mga kaibigan mo.Humanap ka ng bagay na makakapag pasaya sayo. Ilibang mo ang sarili mo. Magpakabusy ka hanggat gusto mo, walang mangyayare kung palage kalang nakakulong sa kwarto mo at nagmumokmok. Maiisip mo lang sya pag ganon ang gagawin mo.Kung binigyan ka niya ng maraming dahilan para masaktan, bigyan mo siya ng isang dahilan para ito’y kanyang pagsisihan. 5.”Wag kang humanap ng panakip butas.” Wag na wag kang maghahanap ng taong gagawin mong panakip butas kung mahal mo pa. Masasaktan kalang lalo. Makakasakit ka pa. Alam mo naman siguro kung ano yung pakiramdam ng nasaktan. Sabihin na nating masakit! Oo naman as in masakit talaga yun, mahirap at minsan hindi na nga natin makilala yung sarili natin dahil sa sakit na yun. 6.”Love yourself.” Kung hindi ka niya kayang pahalagaan, Pahalagaan mo na lang ang sarili mo. Hindi ko naman sinabing madaliin mo ang lahat, magagawa mo naman yan kung iisipin mo na kaya mo. Kung gugustuhin mong ipag patuloy ang buhay mo, at kung gugustuhin mong maging masaya para sa sarili mo
Top 10 Sawi Tagalog Qoutes 2018
1.”Wag mo kaseng hanapin sa iba yung wala sa kanya.” Minsan may mga tao talagang di marunong makuntento. Yung tipong anjan ka na nga naghahanap pa nang iba. Yung halos ibigay mo na ang lahat ng sayo, hindi pa din sapat para sa kanya. Naghahanap at maghahanap pa rin talaga nang iba. Hindi ba nila naiisip na may mga bagay din na wala sa kanila pero ni minsan hindi mo hinanap sa iba? Hindi nila yun naiisip kase kung iniisip nila yun. Edi sana simula umpisa, nakuntento na sya. 2.”Ikaw ang dahilan kung baket ako nasasaktan.” Yung sya yung dahilan ng pagngiti at pagtawa mo Yung taong nagpapasaya sayo, sya rin yung taong mananakit sayo sa huli. Yung taong akala mo sya yung magpoprotekta sayo, para hindi ka masaktan sya din yung mananakit sayo. Sya din yung magiging dahilan ng pag-iyak mo. 3.”Ramdam ko naman e, na hanggang kaibigan lang talaga.” Ikaw kase e. Kahit alam mo ng kaibigan ka lang para sa kanya, minahal mo pa din sya. Kahit malinaw naman lahat nang sayo na hanggang dun kalang talaga sa buhay nya, hindi mo pa pinigilan ang nararamdaman mo. Kahit na hindi kayo pinagtagpo,mahal ka nya, bilang kaibigan nga lang. Siguro mas pinili nya lang kung san kayo mas magtatagal. 4.”Ang hirap maiwan ng hindi mo alam ang dahilan.” Yung mapapatanong ka na lang sa sarili mo ng ”Ha? Bakit? Paano?” Masakit maiwan ng walang sapat na dahilan.Yung maiwan ng ganun ganun lang. Maiwan sa kawalan. Masakit na isang araw gigising kana lang na, wala na pala sya, na sya may iba na, pero ikaw naghahanap pa din ng dahilan kung papano dumating sa punto na Iniwan ka nya. Hindi naten hawak ang pag-iisip ng taong mahal naten. Kaya kung magmamahal ka. Dapat handa ka ding masaktan ng biglaan. 5.”Mahal pa pala kita.” Yung taong sinayang yung pagmamahal mo. Minsan nakakapanghinayang nalang. Kung bakit mo pa pinakawalan. Mahirap humanap nang taong sa iba mo hinahanap. Yung taong lageng nanjan para sayo ngayon nasa ibang tao na. Pagmamay-ari na nang iba. Ramdam nyo ba yung porke’t alam mong mahal na mahal ka nya, aabusuhin mo sya at lolokohin? Yung mapapaisip ka nalang nakakamiss pala yung mga oras na nangungulit sya. Yung mga message nyang sweet every morning. Sadyang makikita mo lang talaga halaga nang isang tao kapag nawala na sya sayo. 6.”Siguro nga, hindi talaga tayo ang itinakda.” Pinagtagpo kayo pero hindi itinadhana. Ganyan naman lage e, Pagtatagpuin yung dalawang tao pero sa huli hindi naman talaga sila para isa’t isa. Pero, kung totoong gusto nyo at nyo ang isa’t isa, bakit mas pinipili nyong maghiwalay kesa mag-stay? Walang salitang pagod at sawa sa dalawang taong ang goal e, maging sila hanggang sa huli. Kung hindi kayo ang itinakda edi gawin nyong kayo. 7.”Kahit hindi ako yung kailangan mo andito pa rin ako para sayo.” Kahit sinasamapal ka na nang katotohanan, katotohanang hindi ka nya kailangan. Anjan ka pa rin para sa kanya. Yung feeling na binabalewala kana, na mas importante pa yung ginagawa nya kesa sayo. Yung okey lang sayo na lahat ng ginagawa nya kahit ikaw nagmumuka nang tanga. Yung kahit alam mo namang ginagago ka na pero anjan ka pa rin para sa kanya. Yung kahit andame mo nang dahilan para bumitaw pero nakakapit ka pa rin sa salitang baka pwede pa. Baka magbago pa. Gising! Gumising kana na hindi lahat babalik sa date. 8.”Kaya matagal sya magreply, hindi sya interesado sayo.” Okey lang yan, atleast alam mo na kailangan mo nang tumigil. Okay lang yan kesa iparamdam sayo na nawawalan na sya ng gana sayo. Mas masakit kapag nagpanggap sya na nasayo ang oras at atensyon nya kahit hindi naman talaga. Okay lang yun. Kesa maramdaman mong tini-take for granted ka. Tulungan mo ang sarili mo na maging okay ka. 9.”Bat naghahabol ka pa rin sa taong may mahal ng iba.” Bakit nga ba? Dimo naman gagawin yan kung di mo mahal yung taong hahabulin mo. Pero kung nabigay nya na lahat ng rason para iwanan mo na din sya at isuko na, oras na para bitawan at hayaan mo na sya tulad ng pag-iwan nya sayo. Minsan talaga kailangan mong magpalaya para sa tunay ikasasaya ng taong mahal mo. Kelangan mo nang tanggapin na hindi na ikaw yung kumukumpleto at nagpapasaya sa kanya. Na yung dateng ikaw yung gumagawa sa kanya ngayon iba na. 10.”Nasaktan ka rin ba nung sinaktan mo ako.” Tinatanong pa ba yan? Syempre malamang hindi sya nasaktan. Kase kung alam nya na masasaktan ka. Edi sana hindi nya ginawa yung bagay na nakasakit sayo. Sana hindi ka umiiyak ngayon nang dahil sa kanya. Baka nga masaya pa yun e, kase nasaktan ka nya. Nagtagumpay sya na paiyakin ka. Na lokohin at magmuka kang tanga. Habang ikaw umiiyak kung pano magsisimula ulet, sya napapaluha sa kakatawa.