Dumadami sila. Oh baka isa ka na din sa kanila? Paano mo nga ba malalaman kung isa kang “PA-PEYMUS”
1. Yung kakilala mong lahat friend sa Facebook.
5,000 na ang friends. Pero wala pang 20% ng 5k ang kilala sa personal. Lagi nating tandaan, katulad ng ibang bagay sa internet, ang Facebook at maari ding makasama sa maraming pamamaraan. Oo masaya yung makikipag kaibigan ka online pero hindi mo malalaman ang tunay na pagkatao ng isang tao sa pamamagitan ng internet. Wala na tuloy space para sa mga kamag anak mong nag a-add.
2. Kaibigan mong 7 Profile picture update a week.
Normally, 2 beses lang dapat mag palit ng dp every 3 months, O.A. na nga ung once a month haha! Bukod sa nakaka asar na araw araw maraming nakikita, baka lalo ka pang i-unfriend haha! Hinay hinay lang mga bes. Wala naman yatang nag babago sa muka natin araw-araw diba?
3. Kakilala mong walang katapusang status update sa FB.
Lahat na! Kulang na lang ” kaka kurap ko lang… #pansinin nyo xci aq0eh ” HAHA! Bakit kailangang oras oras? Kahit mga walang kabuluhan pino-post. Yung iba may pag mura mura pa. Juice colored. Sakit sa mata.
4. That ” Like mo DP ko 10 likes kita ” line.
Oo nman, nakaka taas ng self esteem ang pagkakaroon ng hundreds of likes sa profile. Pero sana hindi tayo despirado. Mas masarap sa pakiramdam yung kusa silang nag li-like kasi ibig sabhin nagustuhan talaga nila.
5. Yung kakilala mong gumagawa ng dummy account tapos mag lalagay ng ” Real account ” sa main account.
Haha! Eto ang malupet! Gagawa sila ng fake accounts at gagamitan ng profile pictures nila tapos mag mag iistatus na galit. HAHA! Sisihin ba naman ang sarili. Kaya mag lalagay sila ng ” real account ” sa bio o kaya nick name ng profile page nila. Galing galing
6. Mataas nga ang likers, mababa naman ang grades sa school.
Ayan. Yan tayo eh kahit walang tayo. Aanhin nga ba natin ang madaming likers . Sana maisip natin yung pag hihirap ng magulang natin nago ang likes na yan. Nako pati mga arabo. HAHA! Kahit hindi naman ganun kataas ayos ka yun bastat hindi bagsak pero mas masarap sa pakiramdam ng nakaka inspire tayo ng ibang tao sa tamang paraan.
7. Yung kaibigan mong suki ng ” Auto like, follow, auto tag”.
Auto likes. Mga “auto-auto”. Mag eeffort na makahanap ng gumagana na autolikes. Sayang lang ang pera at oras. Sa panahon ngayon, halata na kapag nag auto like ka. Kasi lagi naman mga Indian hahaha! O kaya mga ghost accounts. Multuhin sana
8. Pa-shout out dito, shot out doon.
Plug dito, plug doon.
Ano ba napapala natin dito? Mabuti sana kung mga artista yung mag shout out pero hindi eh! Mga pa “peymus” din naman. Kayo kayo na lang kaya mag usap. Kung gusto nyong makilala, mas mabuti kung sa kadahilanang may nagawa kang mabuti na makaka tulong sa pag papabago ng ating bansa. Haha!
9. Huwag gamitin ang Facebook sa kabastusan.
Mag lalabas ng kung ano ano tapos galit na galit pag nababastos. Especially ang babae. Yung iba naglalabas cleavage. Ano kaya gusto iparating nun? Haha! Meron naman kasing may cleavage talaga pero halata mo kasi pag sinadya eh. Nakaka baba kaya ng tingin sa isang tao kapag ganun. Sa panahon ngayon, pati 4 years old na bata may facebook account na. Alam na natin ang dapat gawin bilang naka tatanda.
10. Pa-Bida award goes to…
Ayun na nga. Sa madaling salita, PABIDA. Gusto lagi sya ang pinag uusapan. Kahit sa hindi mabuting mga bagay basta sya ang bida ayos lang haha! Dadating din naman ang araw na ma re-realize natin na mali at nakaka inis pala sa paningin ng ibang tao yung mga ginagawa natin dati. Marami “jeje” noon na nag bagong buhay na. Haha! Sana lahat!
Salamat sa nag basa! Hindi namin intensyon na saktan ang inyong nga damdamin dahil para rin ito sa inyo. Walang taong perpekto pero let’s try to be as civilized as far as we can. Ang tunay na kasiyahan ay nakakamit sa tamang paraan.