Utang Funny & Patama Qoutes


Utang Patama Qoutes

Minsan may mga tao talagang darating nalang sa ating buhay, na pagka tapos tayong gamitin ay bigla na lang mang-iiwan. Katulad nalang ng mga taong akala mo ay kaibigan, na pagka tapos mangutang ay agad agad ka ding tatalikuran. Kina-ibigan ka pa para lang makuha ang tiwala. Pero sa oras nang singilan tila nakalimutan na n’ya ang salitang ‘kaibigan’. Sukdulan ang mga kasinungalingan para lang mapagtakpan ang kahihiyan. Gagawin ang lahat makatago lang, pati masikip na palikuran ay titiisin wag lang mahuli ng paningin. May mga tao pala talagang dumarating na akala natin ay panghabay buhay, yun pala ay utang na sandali lang ang kanilang pag dating.

 

utang patama

Pag utang, bait
Pag singil, galit.
Pag hanap, tago.
Pag salubong liko.
-tagalogqoute

 

utang patama

Napaka dali magpautang pero napakahirap maningil.
-chinkeetan.com

 

patama utang

Ang hindi marunong lumingon sa Pinag utangan, ay hindi na makakaulit kailanman
-Bonjing’19

 

utang patama

Kung hindi ka makatulog dahil sa utang mo,tawagan mo yung inutangan mo at sabihin mo na hindi kana makakabayad para sya naman ang hindi makatulog.
-unknown

 

Maraming salamat sa pagbabasa!

(Visited 48 times, 1 visits today)
loading...