Ilan ang true friends na meron ka? Marami? Ah. Wait, sure ka bang true sila? O tamang friend lang talaga?

Swerte mo sa tunay. Pero yung akala mong totoo, yun pala hindi? Ekis #peke

Marami tayong kaibigan. Merong totoo, merong peke. Paano mo masasabing totoo? Yan yung mga kaibigang malalapitan mo kapag may kailangan ka. Mga kaibigan na handang ibigay lahat ng kaya nya mapunan lang yung kailangan mo kasi nga kaibigan ka.

Paano mo masasabing peke? Yung mga kaibigang lalapit lang pag may kailangan sila tapos magagalit kapag hindi mo naibigay o hindi mo kaya.

I mean, kung kaibigan ka talaga, kahit magpatulong ka, either magawa mo o hindi, bakit sila magagalit?

Nagkaroon ka ng kaibigan to be more comfortable with people, and uncomfortable people are not worth befriending.

Wag maging choosy sa kaibigan pero maging maingat sa pagkakatiwalaan. For more blogs, visit reklamador.com! Happy reading!