Trending Best Tagalog Love Quotes of 2017


Sawa na ba kayo kahahanap ng magaganda at nakakaantig na Quotes and Sayings! Sa wakas nakita niyo na ang pinakahihintay niyo! Dahil nandito na si mr.reklamador na handang magbigay ng magagandang Quotes na tiyak na magugustuhan niyo! Kaya Enjoy!


Top 10 Best Tagalog Love Quotes of 2017 1

“Alam mo kung bakit nahihirapan tayong magpatawad sa mga taong nakasakit sa atin? kasi ang iniisip mo, ikaw lang ang nasasaktan”

“Tama dahil lagi nating iniisip kung pano na ang sarili natin kung papatawarin natin ang isang taong nakasakit sa atin diba? kasi natatako lang tayong masaktan muli. Kaya di natin naiisip yung pakiramdam nila kung bakit humihingi din sila ng tawag o kung nasasaktan din ba sila”

Top 10 Best Tagalog Love Quotes of 2017 2

“Hindi habang buhay kaya mong magpretend na hindi ka nasasaktan.Ano ka YAKULT?
Every Day Ok?”

“Minsan hindi rin masama maglabas ng sama ng loob dahil ito lang din ang paraan para gumaan ang sama ng loob mong nadarama sa isang tao, Dahil kung kikimkimin mo lang ito baka di mo mamalayan sa sobrang sakit ikaw na din yung magpapasyang bumitaw”

Top 10 Best Tagalog Love Quotes of 2017 3

“Hindi lahat ng paulit-ulit ay nakakainis.Kapag sinabi ko bang mahal na mahal na
mahal na mahal na mahal kita, maiinis ka ba?”

“May mga bagay na sadyang makakapagpaligaya satin, kahit ilang ulit pa itong marinig at maramdaman, di tayo nagsasawang pakinggan dahil Dahil napakasarap sa pakiramdam”

“Ang relasyon daw ay parang ilaw ng kotse. Kailangang parehong gumagana. Kasi pag
isa lang ang umilaw, aakalain ng kasalubong mo na single ka”

“Tama dahil kung akaw lang ang nagpapadama at nagaalaga sa kanya diba, parang wala ka na ding pinagkaiba sa single dahil parehas lang kayo ng nararamdaman sa tayong mahal niyo kaso di sila nagbibigay halaga para sa inyo”

“Kung mahal mo ang isang tao, ipadama mo ang pagmamahal mo sa kanya! Pero wag through QUOTES dahil masasaktan ka lang! alam mo kung bakit? Dahil yung quotes na pinasa mo sa kanya, ipapasa niya lang sa iba”

“Dun sa mga mahihilig sa Quotes! Once na may nakita kayong Inspiring at About Love! Wag niyo ng ipakita o ibigay sa kanya! Mas  mabuting e-apply mo na lang at ipadama sa kanya kasi baka yung binigay mong Quotes ay lalo siyang ma inspire. Mainspired para dun sa crush niya at hindi sayo”

“My friend asked me. “kung talagang mahal mo sya, Bakit di mo ipaglaban?” I just smile and said. “Ikaw ba? kaya mo ipaglaban ang taong lumalaban para sa iba?” “

“Oo nga noh? maraming nagsasabi na dapat kapag mahal mo ang isang tao ipaglaban mo siya. Pero di nila nauunawaan na kaya minsan ating binibitawan at hindi pinaglalaban ang Taong mahal natin eh dahil di rin nila tayo kayang ipaglaban, Kaya mo naman siya minahal diba kasi mahal mo ang sarili mo? Kaya kung di kana masaya at di niya kayang mahalin ka move-on hindi na Uso ngayon maging tanga!”

“Hindi manloloko kaming mga lalaki sadyang hindi lang talaga deserving yung babaing Pinangakuan namin”

“Tama! kasi bakit nga ba lalaki ang laging nakikitang mali kung meron break up at pangakong hindi natupad? Hindi ba nila naisip  na Oo nagkamali kami sa Pangako namin pero hindi sa hindi natupad kundi dun sa Pinangakuan! Dahil wala din kahit gaano mo kamahal ang isang babae kung di naman siya deserving magpapakatanga ka ba kung kahit ikaw eh niluluko na?”

“Magtataka ka kung bakit napunta siya sa iba? Bakit may ginawa ka ba para papunta siya sayo? Ano yan Dream come True sa panaginip?”

“Kaway kaway sa mga nakarelate na mga dakilang “TORPE” Dun sa mga nagmahal na walang ginawa! Dun sa mga nagmahal na inuna ang hiya! Dun sa mga nagmahal na nadala ng takot! Dun sa mga nag mahal na hanggang tingin lang! Ano kamusta kayo? Diba ngayon niyo lang naunawaan na mali kayo! Wag kasing matakot mabusted at least ginawa mo yung parte mong ilahad ang iyong mga nararamdaman sa iyong minamahal hindi yung titingin ka lang hanggang may ibang magmahal sa mahal mo”


Nag Enjoy ba kayo? Sa mga Madadrama at Magagandang Quotes na inyong nakita’t nabasa? Pwes wag kayong mag-alala dahil marami pang kasunod na nakakabaliw at nakakakilig na mga Quotes ang aming ipapakita sa inyo kaya lagi lang kayong bumisita sa aming Site! Please like and Share! Kung nagustuhan nyo! 🙂

(Visited 374 times, 10 visits today)