Top 10 Sawi Tagalog Qoutes 2018


hanapin

1.”Wag mo kaseng hanapin sa iba yung wala sa kanya.”

Minsan may mga tao talagang di marunong makuntento. Yung tipong anjan ka na nga naghahanap pa nang iba. Yung halos ibigay mo na ang lahat ng sayo, hindi pa din sapat para sa kanya. Naghahanap at maghahanap pa rin talaga nang iba. Hindi ba nila naiisip na may mga bagay din na wala sa kanila pero ni minsan hindi mo hinanap sa iba? Hindi nila yun naiisip kase kung iniisip nila yun. Edi sana simula umpisa, nakuntento na sya.

2.”Ikaw ang dahilan kung baket ako nasasaktan.”

Yung sya yung dahilan ng pagngiti at pagtawa mo Yung taong nagpapasaya sayo, sya rin yung taong mananakit sayo sa huli. Yung taong akala mo sya yung magpoprotekta sayo, para hindi ka masaktan sya din yung mananakit sayo. Sya din yung magiging dahilan ng pag-iyak mo.

3.”Ramdam ko naman e, na hanggang kaibigan lang talaga.”

Ikaw kase e. Kahit alam mo ng kaibigan ka lang para sa kanya, minahal mo pa din sya. Kahit malinaw naman lahat nang sayo na hanggang dun kalang talaga sa buhay nya, hindi mo pa pinigilan ang nararamdaman mo. Kahit na hindi kayo pinagtagpo,mahal ka nya, bilang kaibigan nga lang. Siguro mas pinili nya lang kung san kayo mas magtatagal.

dahilan

4.”Ang hirap maiwan ng hindi mo alam ang dahilan.”

Yung mapapatanong ka na lang sa sarili mo ng ”Ha? Bakit? Paano?” Masakit maiwan ng  walang sapat na dahilan.Yung maiwan ng ganun ganun lang. Maiwan sa kawalan. Masakit na isang araw gigising kana lang na, wala na pala sya, na sya may iba na, pero ikaw naghahanap pa din ng dahilan kung papano dumating sa punto na Iniwan ka nya. Hindi naten hawak ang pag-iisip ng taong mahal naten. Kaya kung magmamahal ka. Dapat handa ka ding masaktan ng biglaan.

5.”Mahal pa pala kita.”

Yung taong sinayang yung pagmamahal mo. Minsan nakakapanghinayang nalang. Kung bakit mo pa pinakawalan. Mahirap humanap nang taong sa iba mo hinahanap. Yung taong lageng nanjan para sayo ngayon nasa ibang tao na. Pagmamay-ari na nang iba. Ramdam nyo ba yung porke’t alam mong mahal na mahal ka nya, aabusuhin mo sya at lolokohin? Yung mapapaisip ka nalang nakakamiss pala yung mga oras na nangungulit sya. Yung mga message nyang sweet every morning. Sadyang makikita mo lang talaga halaga nang isang tao kapag nawala na sya sayo.

6.”Siguro nga, hindi talaga tayo ang itinakda.”

Pinagtagpo kayo pero hindi itinadhana. Ganyan naman lage e, Pagtatagpuin yung dalawang tao pero sa huli hindi naman talaga sila para isa’t isa. Pero, kung totoong gusto nyo at nyo ang isa’t isa, bakit mas pinipili nyong maghiwalay kesa mag-stay? Walang salitang pagod at sawa sa dalawang taong ang goal e, maging sila hanggang sa huli. Kung hindi kayo ang itinakda edi gawin nyong kayo.

hindi ako

7.”Kahit hindi ako yung kailangan mo andito pa rin ako para sayo.”

Kahit sinasamapal ka na nang katotohanan, katotohanang hindi ka nya kailangan. Anjan ka pa rin para sa kanya. Yung feeling na binabalewala kana, na mas importante pa yung ginagawa nya kesa sayo. Yung okey lang sayo na lahat ng ginagawa nya kahit ikaw nagmumuka nang tanga. Yung kahit alam mo namang ginagago ka na pero anjan ka pa rin para sa kanya. Yung kahit andame mo nang dahilan para bumitaw pero nakakapit ka pa rin sa salitang baka pwede pa. Baka magbago pa. Gising! Gumising kana na hindi lahat babalik sa date.

8.”Kaya matagal sya magreply, hindi sya interesado sayo.”

Okey lang yan, atleast alam mo na kailangan mo nang tumigil. Okay lang yan kesa iparamdam sayo na nawawalan na sya ng gana sayo. Mas masakit kapag nagpanggap sya na nasayo ang oras at atensyon nya kahit hindi naman talaga. Okay lang yun. Kesa maramdaman mong tini-take for granted ka. Tulungan mo ang sarili mo na maging okay ka.

habol

9.”Bat naghahabol ka pa rin sa taong may mahal ng iba.”

Bakit nga ba? Dimo naman gagawin yan kung di mo mahal yung taong hahabulin mo. Pero kung nabigay nya na lahat ng rason para iwanan mo na din sya at isuko na, oras na para bitawan at hayaan mo na sya tulad ng pag-iwan nya sayo. Minsan talaga  kailangan mong magpalaya para sa tunay ikasasaya ng taong mahal mo. Kelangan mo nang tanggapin na hindi na ikaw yung kumukumpleto at nagpapasaya sa kanya. Na yung dateng ikaw yung gumagawa sa kanya ngayon iba na.

10.”Nasaktan ka rin ba nung sinaktan mo ako.”

Tinatanong pa ba yan? Syempre malamang hindi sya nasaktan. Kase kung alam nya na masasaktan ka. Edi sana hindi nya ginawa yung bagay na nakasakit sayo. Sana hindi ka umiiyak ngayon nang dahil sa kanya. Baka nga masaya pa yun e, kase nasaktan ka nya. Nagtagumpay sya na paiyakin ka. Na lokohin at magmuka kang tanga.
Habang ikaw umiiyak kung pano magsisimula ulet, sya napapaluha sa kakatawa.

 

(Visited 152 times, 1 visits today)
loading...