Top 10 Best RelationShip Goals: Girl’s Dream


“Top 10 Best RelationShip Goals: Girl’s Dream”

Kahit saan, marami tayong nakikitang hashtags na kung anu – ano lang naman, kagaya ng mga picture ng couples na naka couple shirts, couple shoes, at kung anu – ano pang ka – couple an. Pero oras na siguro para magkaroon kayo ng totoong relationship goal, hindi ba?
Kaunti lang naman talaga yung totoong kailangan kung gusto mo talagang maging masaya at mas tumagal pa ang samahan ninyo bilang couple, kaya kung gusto mo ng tunay na relasyon, magsikap ka para sa isang bagay na mas importante pa sa kung anumang ka – echusan na ipo – post mo sa social media.

Oras na para kalimutan ang mga tungkol sa Instagram-picture-relationship-goals para lang magkaron ka ng maraming likes at shares at magkaroon ng tunay na mga goal para sa inyong relasyon. Ganun pa man, kailangan mong tandaan na lahat ng tao ay magkakaiba, at kahit na sabihin pa na sobrang mahal ninyo ang isa’t isa, maaari pa rin kayong magkaiba ng iniisip na goal at plano para sa relasyon ninyo. Ang pagkakaibang ito ay maaaring makapagdulot ng problema sa inyong relasyon kung hindi kayo magkakaintindihan ng maayos. Kaya nga, napakahalaga na pag – usapan ninyong dalawa ng mabuti ang mga gusto ninyo at plano para tumagal kayo basta siguruhin mo na magkakasundo kayo at susuportahan ang isa’t isa.
Narito ang ilang importanteng goals para sa pangarap mong Long-term relationship.

x

“Ang makamit ang pinapangarap na Unconditional Love.”

Mahirap, kasi ang ganyang uri ng pagmamahal ay kalimitang galing sa pamilya, pero posible din namang mahalin ang partner mo unconditionally. Kailangan lang ng tiwala at oras para makamit n’yo yun. At pagdating ng panahon na kilalang kilala na ninyo ang isa’t isa at alam ninyong masasandalan ninyo siya, mag-uumpisa na kayong marating yun.

“Makapag – communicate ng maayos.”

“Ang kawalan kasi ng komunikasyon sa isa’t isa ay pwedeng makasama sa isang relasyon, kahit gaano n’yo pa kamahal ang isa’t isa. Pag-aralan ninyong sabihin sa kanya ang mga nararamdaman ninyo at pag-usapan ng mabuti ang mga problema ng hindi kayo nagkakasakitan para maayos ninyo kaagad ito.”

“Growing together ng hindi nagbabago ang pagmamahalan.”

“Kapag kasi nasa lasting relationship kayo, ibig sabihin nun tatanda kayo at parehong magbabago, ang sekreto lang talaga ay gawin ninyo yun ng magkasama para hindi kayo magkahiwalay. Kapag nagawa ninyo ito, bihirang bihira na lang ang makakasira sa inyo.”

y

“Magkaroon kayo ng BEST SEX together.”

“Maaaring iniisip ng iba na ang ibig sabihin ng nasa long-term relationship ka, kailangan mo ng tanggapin na unti-unting mawawala ang passion ninyo sa isa’t isa, kasinungalingan lang yun. Once na matagpuan mo na yung taong mamahalin mo, kailangan mag-effort kayong dalawa na ma-please ang isa’t isa. (SA KAMA) ”

“Pakikibagay sa Magulang.”

“Kung close talaga siya sa pamilya nya, syempre gugustuhin mo ding mapalapit at matanggap ng pamilya nya para hindi magkaroon ng pagtatalo in the future. At sana, matanggap ka agad ng pamilya nya, pero kung hindi man, sigurado naman na tatanggapin ka pa din ng iba sa kanila.”

“Yung hindi ka napepressure na baka laitin ka ng partner mo araw – araw.”

“Sa simula pa lang kasi, sanay ka ng makatulog na may konting makeup at aware ka sa kung ano ang suot mo, pero siyempre hindi naman forever na ganun ka. Ang tunay na goal ay yung maramdaman mong komportable ka na kasama siya at kahit anuman ang suot mo o ang itsura mo, ituturing ka pa din niyang parang diyosa.”

z

“Makapag – travel ng magkasama without driving each other insane.”

“Ang paglalakbay kasama ang kahit na sino ay madaling makapag-pabago sa mood natin, masyado kasing nakakastress, at sometimes, we even feel sick with each other’s company. Pero kung ang kasama mo ay yung mahal mo at pareho kayo ng mga gusto, pwedeng ito ang maging dahilan para magkaroon kayo ng magagandang experiences ng hindi sumasakit ang ulo mo dahil sa pagtatalo kung saan kayo pupunta at kung ano ang gagawin ninyo.”

“Yung maging mag-bestfriend kayo, hindi lang lovers.”

Oo, napaka-importante na magkaroon ng romantic chemistry, pero importante na maging mag-kaibigan din kayo. Dapat komportable kayo na nagkakausap at nagkakabiruan na parang nakikipag-usap ka lang sa mga kaibigan mo.

“Yung nagkakaintindihan kayo pagdating sa plano nyo for the future.”
Siguro nga, okay na kayong dalawa ngayon, pero saan ba ang punta nun? Nakikita n’yo ba ang isa’t isa na may parehong lifestyle sa future? Tiyak na isa ito sa mga goals dahil ayaw mong masayang ang oras ninyong dalawa.

“Make it last forever.”

“Kalimitan ginagawa nating biro ang pagkakaroon ng mga relationship goals na hindi naman ganun kahalaga, pero yung pagkakaroon ng isang tao na gusto nating makasama habambuhay marahil ang isa sa mga pinakamalaking pangarap natin sa buhay. Ito din yung pinaka-nakakatakot na part kasi isa itong napakalaking accomplishment na pwede nating gawin, pero kung nakaya mong gawin yung ibang goals, sigurado, madali lang sa’yo to.”

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagsubaybay sa aming Blogs! Marami pa kaming ihahatid na Jokes and Inspirationa Quotes na tiyak na makakapukaw sa inyong damdamin. Please like us on facebook and Share! Thanks!

(Visited 234 times, 1 visits today)