Panakip Butas Lang rin Pala


Panakip Butas Lang rin Pala

Panakip Butas Tagalog Quotes and Sayings

Para to sa mga niloko lang at pinaasa sa pag-ibig naman palang hindi tama dahil meron ng nauna at wala pa dapat na maging pangalawa na sa medaling salita “Panakip butas” lang pala. Sila yung mga niligawan at pinaasa sa relasyong di pa dapat nagsimula. Dahil gagawin lang din palang panakip butas. Yung tipong may isang magkasintahang nag away at di nagkaroon ng magandang usapan at naghantong sa piglaang Break up tas ayun naghanap na ng iba agad dahil ayaw masaktan ng lubusan kaya kailangan ng panandaliang ligaya.

Sad Tagalog Quotes

“Wag mong lagyan ng band-aid ang sugat kapag may dugo pa in short: Wag kang hahanap ng panakip butas kung alam mong mahal mo pa”

“Marami talaga sa panahon ngayong medaling maloko at maging panakit butas? Alam niyo ba kung bakit? Bukod sa madali kayong paikutin e sadyang sobrang desperado lang talagang maghanap ng katulad ninyong pweding maging panakip butas para lang matakasan ang sakit at dusa nilang nararamdaman dahil sa tunay nilang minamahal na hindi lang nila basta basta malapitan dahil sila ay kinakabahan! Kaya pinapaniwala na lang nila sa kanilang sarili na hindi nila ito mahal kaya maghahanap na lang ulet sila ng iba para maging panakip butas lang din pala.”

“Kung gusto mo ng panakip Butas, bumili ka ng yero”

“Tama nga naman diba? Kesa naman tayo yung gawin mong kasangkapan dahil ikaw ay masyado ng nahihirapan at nalalamigan para humanap ng ibang init sa iba na hindi naman talaga tama. Tsaka mo na siya mahalin kung yung nakaraan mo e wala na din at di mo na babalikan pa dahil baka dumating sa puntong yung taong nilapitan at nagbigay sayo ng pansamantalang ligaya at init para ikaw ay hindi malamigan ay siya ring taong iyong iiwaan dahil babalik kana sa iyong nakaraan.”

“Hindi naman ako “Elastoseal” e bakit mob a ako ginagawang panakip butas?”

“Katulad ng sinabi ko kanina na matutong tumanggap ng pagkakamali para wala ng masaktan at madamay pang iba. Kung mahal mo talaga ibaba mo yung pride mo para sa kanya! Hindi yung iiwanan mo siya at maghahanap ka ng iba! Wag kang tanga! Sinaktan mo na siya, sasaktan mo pa yung mapipili mong panakip butas para lang maibsan ang sakit na iyong nararamdaman pero ang higit sa lahat di mo alam na mas pinapahirapan mo ang iyong sarili sa pagpapasya ng di naman talaga gusto ng iyong puso kundi paraan lang ng iyong utak para matakasan ang sakit na nararamdaman!”

Sad Quotes

“Sabi nila mas ok na kumalas kesa maging panakip butas”

“Tama naman talaga yun dahil kung mananatili ka pa para ka ng tanga dahil alam mo nan gang meron ng mahal at pangpalipas oras ka lang at kailangan ka lang niya kung nag aaway sila at hindi dahil mahal ka niya! Hindi ka lang masasaktan kundi makasisira ka pa ng relasyong ng iba kaya ang mabuti ay gawin mo na ang tama kesa maging huli na ang lahat, kung kelang masyado ka ng umibig at nagmahal ng todo pero kahit anong gawin mo wala pa ding mangyayari dahil sa huli masasabi mo na lang na. Oo nga ako ang lagi niyang tinatakbuhan pag may kailangan siya pero hindi ako ang kanyang nilalapitan pagmagbibigay siya ng pagmamahal.”

“Walang silbi ang inyong tunay na pagmamahalan kung ikaw ay isang panakip butas lang”

“Oo ngang tuna yang inyong pagmamahalan pero dapat lagi mong tandaan, na kaya ka lang din niya minahal dahil kailangan ka niya para di siya lalong mahirapang makalimutan ang sakit na kanyang nararamdaman! Pero sa huli yung sinasabi ninyong tunay na pagmamahalan ay mauuwi lang din yan sa isang hiwalayan. Dahil hindi malabong balikan niya ang kanyang nakaraan at masasabi na lang sayong “Mahal naman kita, pero mas mahal ko lang talaga siya” hihintayin mo pa bang mangyari yan lalong lalo na kung alam mong panakip butas ka na?! Wag maging tanga! Matutong huminga sa sariling katawan mo dahil hindi mo naman ikamamatay ang pagkawala niya sayo!”

“Hindi ako patay na patay sayo para maging panakip butas mo lang ako”

“Tama nga naman diba? Syempre kahit naman patay na patay ka sa isang tao pero kung alam mo din naming magiging panakakip butas ka lang din naman pala e magising kana agad sa katutuhanang mamahalin ka lang niya dahil kailangan at wala ng iba pang dahilan! Kaya hahayaan mo ba ang sarili mong Makita ng ibang taong ipagsiksikan ang iyong nararamdaman kahit na alam mo naming mali na ang lahat at di ka naman talaga niya mahal kundi isang malaking paraan lang para maiwasan niya ang pait ng sakit ng kanyang nararamdaman?”

Tagalog Sad Quotes

“Hindi ka ginawa ng nanay at tatay mo para lang maging panakip butas wag kang maging tanga sa pagmamahal na di kalian man magiging tama”

“Di mo kailangang maging panakip butas para makuha mo siya! Tandaan mo sobrang minahal ka at inalagaan ng magulang mo! Tas sarili mo pa ang magiging dahilan para mabaliwala ito? Diba madali lang maging masaya mag isa at maghanap ng tunay ng pagmamahal na alam mong tama at walang makapipigil sa inyo dahil wala naman kayong ginagawang mali.”

“Hindi mo kailangang magmadali baka humantong sa lang sa pagiging panakip butas”

“Kaya sa tuwing merong manliligaw sa inyo at maglalandi sa inyo wala namang masama diba kapag titingnan mo ang kanyang background? Simple lang diba dahil nag aapply siya na maging boyfriend o girlfriend mo kaya kailangan mo! Mas maganda ng nakasisigurado ka kasi baka di mo alam panakip butas ka land din naman pala.”

“Kahit anong klasing pagmamahal pa yan di mo kailangang maging panakip butas tandaan mo yan”

“Kahit gaano mo pa siya ka mahal tandaan mo kung alam mong magiging panakip butas ka lang wag mo ng balaking pumayag. Oo nga na pag magmahal ka kailangang ibigay mo ang lahat mong makakaya. Pero iba na ang usapan ko pati ang iyong pagmamahal na tama at totoo ay ibibigay mo sa isang pekeng tao tandaan mo yan! Na mahalaga ka at may karapatan kang mahalin ng tama at maayos ng walang halong panloloko kung alam mo naman sa sarili mong seryoso kang magmahal.”

“Panakip Butas: Mahal naman kita kaso mahal ko pa siya”

“Yan yung mga linyang palaging sinasabi ng minsang nagpaasa at naglandi sa inyo diba? Hindi lang yun ang masakit lalo na yung nalaman mong nagging panakitp butas ka lang pala. Yung marerealize mong hindi ka niya minahal sa tamang paraan! Yung minahal ka lang niya dahil kailangan at hindi dahil sa meron siyang tunay na nararamdaman.”
Maraming salamat sa pagpunta ninyo sa aming BlogSite! Sana nag enjoy kayo sa inyong nabasa at nakita! Abangan ninyon at marami pang susunod kaming ipopost na tiyak na inyong magugustuhan! Kaya lagging bumisita at tingnan ang mga latest post at mag enjoy! At wag kalimutang i-like and share ang aming mga post at wag kakalimutang i-like din kami sa aming facebook page na mr. reklamador.com Thank You!

 

(Visited 174 times, 5 visits today)