Pamatay na Banat/Hugot Love quotes


Napakasarap talaga ng feeling kapag inlove tayo. Kaya lang minsan, may mga taong tila naiinggit sa atin at sasabihing nambobola lang tayo para makapoint sa babae. E ano naman magagawa natin, hindi ba? Sinasabi lang naman natin kung ano ang nararamdaman natin. Kung bola ang tingin nila sa mga salitang sinasabi natin, e di patunayan na lang natin sa kanila na totoo lahat ng mga sinasabi natin. Hindi naman pagiging bolero ang pagsasabi ng totoo.

hugot quotes
Sabi nila ang Disney Land daw ang pinaka-masayang lugar sa mundo.
Ang sabi ko naman eh try mo sa feeling ko, baka magbago isip mo.
Hindi ka na naman kasi bata para magpunta sa disney land. Saka kung pupunta ka dun, kakailanganin mo pa ng pera panggastos at pamasahe. E kung sa akin ka pumunta, wala ka ng gastos, mas enjoy pa. kasi nga di ba? Mas masaya sa piling ng taong nagmamahal ng tapat sa’yo kaysa, nandun ka sa lugar na gusto mo, di mo naman kasama ang mahal mo.

hugot quotes
“Alam mo hindi naman ako mayaman para bilhin ang kahapon,
pero handa akong utangin ang bukas
makasama ka lang sa maghapon! . . .”
Wala talagang mapaglagyan ang tuwa ng isang tao once na kasama na nya ang taong mahal nya. Di naman kasi importante kung ano ang ginagawa ninyo kung ano ang pinag – uusapan ninyo. Minsan, mas okay na yung kasama mo lang siya.

hugot quotes
Ako? kung ibebenta ko ang sarili ko,tataasan ko ang presyo,matawag mo lang akong “MAHAL”
Ganyan talaga ang nagmamahal e, gagawin natin lahat, mapansin lang tayo at mahalin ng taong gusto natin. Hindi kasi sapat na masabi lang natin na mahal natin siya. Kailangan din natin mag – effoert minsan para sa kanila.

hugot quotes

Para kang Lupang Hinirang…marinig pa lang kita,napapahinto na ako..hindi lang yun..napapahawak pa ako, sa puso ko..
Lakas kasi ng tama ko sa’yo. Ayan tuloy, humihinto ang mundo ko marinig ko lang ang boses mo. At para akong aatakehin sa puso kapag dadaan ka na sa harapan ko.

hugot quotes
Kung magiging bahagi ako ng iyong katawan,pipiliin kong maging DUGO..mapunta man ako sa iba’t ibang parte ng katawan mo…still, babalik at babalik pa rin ako sa PUSO mo..
Gusto ko kasing maglagi sa puso. Kung pwede lang tumira sa puso mo, ggawin ko. Para ako na lang palagi ang tinitibok ng puso mo, at di na ako mawala sa’yo. Yung tipong once na mawala ako, ikamamatay mo.

hugot quotes
Wag ka sanang magalit kung minsan hindi kita pinapansin.Wag kang mag-alala dahil paraan ko lang yon para lambingin mo ulit ako.
Minsan kasi, gusto lang nating magpalambing kaya nagkukunyari tayong galit at hindi namamansin. Hindi naman kasi lahat ng pagkakataon, tayo lang dapat ang nagpapalambing. Minsan, kailangan ding tayo yung nilalambing.

hugot quotes
>Nagtatanong sila kung gaano kita ka mahal, wala akong maisagot. Hindi ko kasi alam kung papaano susukatin ang pagmamahal ko para sa’yo.
Hindi naman kasi lahat ng bagay pupwedeng sukatin. Minsan, tiwala lang ang kailangan. At dapat ipakita natin kung ano yung nararamdaman natin. Action speaks louder ika nga, pero minsan, samahan din natin ng words. Hindi naman kasi lahat ng action, kayang maintindihan.

hugot quotes
Sana kaya kong ibigay ang buong mundo sa’yo para malaman mo kung gaano ka kahalaga sa buhay ko.
Mahirap kasing ikumpara sa isang bagay ang nararamdaman. Minsan, kahit anong isip ang gawin mo, wala ka talagang makikitang katumbas ng nararamdaman natin para sa isang tao. Kaya nga maraming nagiging tanga, pagdating sa pag – ibig. Sobra din kasi tayo kung magmahal minsan.

hugot quotes
Ikaw ang pinakamagandang bagay na dumating sa akin, kaya hindi ko hahayaan na basta ka na lang mawawala sakin.
Hindi naman pagmamalabis ang pagsasabi sa isang tao na sya yung pinakamagandang bagay na dumating sa buhay natin. Sa dami kasi ng mga nangyari satin, minsan ginusto na din nating sumuko. Kaya once na makita natin yung taong alam natin na kaya nating ibigay lahat, di na tayo magdadalawang – isip na gawin ang lahat ng makakaya natin, wag lang silang mawala.

hugot quotes
Hindi man ako ang pinakaperpektong tao sa buong mundo para sa’yo, sisiguraduhin ko na lang
na ako yung taong mamahalin ka ng buong-buo.
Wala naman kasing taong perpekto. May mga bagay na kahit gaano man natin kagusto, hindi talaga natin kayang gawin. Pero kahit na ganoon, once na makita natin yung taong para sa atin, isa lang ang talagang kayang – kaya nating gawin. At yun ay ang magmahal ng lubos, ng totoo, at ng buong buo.

(Visited 2,860 times, 4 visits today)