“Mga dahilan Ng Break Up”


Walang magtatagal na relasyon kung papairalin ang mga bagay na alam natin sa sarili natin na wala naming kahihinatnang makakabuti sa atin kaya iwasan na habang maaga pa. Piliin natin ung mga bagay na makakapagpasaya sa atin at gumawa ng mga masasayang alala sa ating buhay.

“Mga dahilan Ng Break Up”

  1. MISUNDERSTANDING

Dito kayo palaging nag aaway at nagkakainisan at kahit maliit na bagay ang inyong pinag aawayan, imbis na pagusapan ay papairalin nyo ang inyong pride at sasabihin nyo sa isat- isa na wag mo na kayong mag usap. Hanggang lupipas ang mga araw na mag kagalit kau at mapunta sa break up dahil sa mga pride na matataas. Give and take lng para hindi lalong lumala ang misunderstanding at pag usapan kung gusto nyo ng matagal at matatag na pagmamahal at samahan.

  1. THIRD PARTY

Ito yung kapag magkaaway kayo, yung isa hahanap ng ibang kalandian o magkocomfort sa kanya para maging okay siya. May mga pag kukulang ang isa sa inyo kung kayat humahanap ng iba habang kayo pa. Sa relasyon ay hindi maiiwasan ang landian o tukso kayang ibigay natin sa mga mahal natin ang tama at sapat na pagmamahal sa kaniala. Ito ay pra magtagal at dapat din natin malaman ang ating limitasyon pag dating sa pag ibig.

“Mga dahilan Ng Break Up”

  1. PALAGING TAMPUHAN

Sa araw- araw niyong pag-aaway yung isa sa inyo masyadong maarte, at magtatampo . kapag sinuyo na lalo pang mag iinarte. Kaya minsan nawawalan na ng gana yung isa manuyo. Hini lahat ng bagay ay pagtatampuhan, subukan din nating hindi magtampo sa isang bagay at kung maari namang pag usapan ay pag usapan na lamang ng ayos. Hindi makakabuti ang laging tampo dahil nakakaikli ng pasensya ang tampu lagi. Isipin na lamang natin ang mga bagay na makakapagbigay sa atin ng ngiti.
 

  1. DISTANCE

Masyadong malayo sa isat-isa bihira na nga kayo magkita , bihira pa kayong mag-uusap, wala na kayong masyadong lambingan sa isat – isa kaya ang ending nag aaway at naghihiwalay nalang. Dito masusukat ang inyong pagiging tapat para sataong mahal natin kaya’t ito ang pagsubok satin kapag malalayo tayo sa ating minamahal. Patunayan natn ang ating katapatan sa ating mahal upang maging masaya at hindi siya magsisi na ikaw ang minahal niya. Tandaan mo na para sau din ang ginagawa nya ng sa ganun ay ipagmalaki ka nya sa iba.
“Mga dahilan Ng Break Up”

  1. Mataas ang Pride

Ito yung walang magbababa sa inyong dalawa ng pride walang manunuyo , walang gagawin yung isa sa inyo para magkaayos kayo kaya sa ilang araw na lumipas ay break up na. Hindi natin kelangang magpataasan ng pride dahil wala naman tayong mahihita dito kaya naman pigilan natin ang ating sarili pag dating sa atin pride para sa masaya at matatag na pamamahalan sa isa’t isa. Timpi din pag may time at matuto din mag pretend kung alam mong wala ka na sa tama at kung alam mo din naman na ito ay para sa inyong pag mahahalan.
 

  1. WALANG TIME

Yung tipong mas inuuna mo yung walang kwentang bagay kaysa bigyan ng oras yung mahal mo para mapasaya mo. Ilagay natin sa lugar ang mga bagay bagay at alamin natin ang mga magpapasaya sa atin. Lagi nating isipan na may time ang iba’t ibang bagay kaya inalay natin sa lugar ang lahat para walang tampuhan o break up n mangyare. Hindi sa lahat ng pagkakataon eh ibang bagay ang uunahin mo, tandaan may damdamin un taong mahal mo kaya wag kang manhid at walang pakialam sa iba lalo na pagdating sa mahal mo.

“Mga dahilan Ng Break Up”

  1. LONG DISTANCE RELATIONSHIP

Yung habang tumatagal na hindi kayo nagkakasama mas lalo lang kayong nanlalamig sa isat – isa dahil wla kayong magawa kung hindi maghinatay nalang kung kailan ulit kayo magkakasama pero dahil sa tagal na bigla na lang kayo magsasawa at hindi na magpaparamdam. Hindi lahat ng LDR ay naghihiwalay kaya ang dapat pairalin ay ang pagmamahal mo sa kanya. Alam mo na Malabo kayo magkita kaya sulitin ang mga time na ibinibigay nyo sa isa’t is.

 

  1. SELOS

Selos na mahirap pigilan , eto yung madalas maging dahilan kung bakit naghihiwalay ang magkasintahan dahil sa selos kaya kayo palaging nag- aaway konting dikit lang ng ibang tao ay selos na agad pinapairal nyo. Dapat na magtanung tayo at tanggapin ang paliwanag ng isang tao kung alam naman nating walang ibang mahal ang taong ito kundi ikaw lamang. Hindi habang buhay ay lagi ka na lang magseselos, turuan din nating pigilan ang pagseselos lalo na kung alam naman natin na di totoo ito.

“Mga dahilan Ng Break Up”

  1. SOBRANG DRAMA

Yung tipong kapag nag aaway kayo, sobra kung magdrama minsan o.a. na kaya lalong humahaba ang hindi ninyo pagkakaunawaan. Pigilan natin ang mga drama at sa halip ay magbigay na lang tayo ng time para sa taong mahal natin upang makagawa ng mga masasayang alala para sa tuwing may away ay un na lang iisipin at piliing magkaayos kayong magkasintahan.

 

  1. HINDI MAKUNTENTO

Yung kahit sobrang mahal ka niya nagagawa parin niyang maghanap ng iba, yung tipong pagsasabayin pa kayong dalawa. Tapos kapag nalaman mo mag aaway kayo tapos iiwan mo siya,  kapag naghiwalay na  kayo , may pangreserba pa sya. Iwasan ang mga tikso at pigilan ang mga sarili pagdating sa pangangaliwa. Walang matinong pagmamahalan kung ganyan ang isa sa inyu kaya’t iwasan.

 

(Visited 57 times, 1 visits today)
loading...