Happy Valentines Day

Happy Valentines Day

Best Tagalog Love Quotes 2014

Ikaw yung pinakamagandang bagay na dumating sa akin, kaya hinding hindi ko hahayaan na basta basta ka na lang mawawala sakin.

Araw araw kasama kita, araw araw nagkikita tayo, araw araw pinapadama mo sakin na mahalaga ako sayo. Sana araw araw ganito na lang, kasi hindi ko na alam kung paano mabuhay ng wala ka.

Nandito lang ako, kapag kailangan mo ng kaibigan, ng makakausap, ng maiiyakan. Sabi ko kasi sayo iwan mo na siya eh. Ano bang nakita mo sa kanya?

Sana kaya kong ibigay ang buong mundo sayo para malaman mo kung gaano ka kahalaga sa buhay ko.

Ayokong mangako, hindi ako magaling sa mga ganyang bagay pero para sa’yo babaguhin ko lahat ng bagay na pag aawayan natin. Kasi mahal kita. Yun lang yon.

Nagtatanong sila kung gaano kita ka mahal, wala akong maisagot. Hindi ko kasi alam kung papaano susukatin yung pagmamahal ko para sa’yo.

Sweet tagalog love quotes

Lagi kong sinasabi sayo na aalagaan kita, lagi kong sinsabi sayo na mamahalin kita habangbuhay. Sabihin man nilang ang “cheesy” ko pero para sakin totoo lahat yon, kasi sa buhay ko ngayon ikaw na lang yung tangi kong pinanghahawakan kaya hinding hindi na kita pakakawalan.

Lahat tayo naghahangad ng magagandang bagay, magandang kotse, magandang bahay, magandang sapatos, magandang damit, pero sakin isang magandang bagay lang ang hinahangad ko. IKAW. 🙂

Alam ko laspag na tong mga ganitong banat pero hindi ko matiis sabihin na sa tuwing nakangiti ka, hinihila ang mga paa ko papuntang langit, para kong nasa ulap. 🙂

Ituturing kitang prinsesa at ako yung prinsepe, parang fairy tale diba? Kasi gusto ko sa bandang huli “we live happily ever after.”