Katangahan sa Pagibig


Katangahan sa Pagibig

Ang daming ampalaya sa Pinas nu?? Alam mo ba kung bakit naging bitter sila, sila kasi yung mga taong nag mahal, nasaktan, naging tanga ayun ang ending naging literal na AMPALAYA! Yung tipong may makitang mag jowabels sa kalsada umiinit agad ang ulo. Oh well  Hindi na ata maiiwasan ito lalo na kung nag mahal ka. Normal lang naman siguro ang maging tanga sabi nga nila “Walang taong Perpekto” pero pag dating sa pag-ibig iba na ang katangahan ang pinapakita ng iba para bang silang asong pinalo mo ng malakas tapos pag inamo mo ok na kayo ulit! Tanga! HINDI KA ASO! Magisip ka hindi lang siya ang tao sa sa mundo tandaan mo yan marami pang mas deserve sayo.

Heto ang mga ilan sa mga katangian ng isang tanga sa pag ibig basahin mo baka isa ka na sakanila baka magulat ka isang araw maging ampalaya ka na lng katulad ko.

Nagmahal-Nasaktan-NagingTanga= AMPALAYA!LOLLOL – (LOVE ON-LINE)

So eto na, bakit sa lahat ng paraan na pwedi kang mainlove bakit sa ka chat mo pa sa PISBUK! Nasan ang love dun nasa KEYBOARD ? sa MOUSE? Grabe naman bess! Pogi lang profile picture ng ka chat mo with matching six pandesal nainlove kana alamin mo muna kung sino ka chat mo nag kalat ang poser sa mundo ng internet mga koa bhessy! Especially tong mga lalake d ko naman linalahat pero kapag may nakitang chix add agad ! with matching Pm pa with puso puso! Nako ingat mga koa  baka mamaya may lawit pala ang ka chat mo lugi ka pa sa oras mo hahaha!

Pero may mga couple din naman na nag kakatuluyan dahil sa ONLINE or Social Media. Minsan lang yun mangyari kung talagang cinacarrer mo ang pagiging tanga at umasa. Pero hindi lahat nabiyayaan ng ganun minsan este MADALAS bokya ka peperahan ka lang tapos minsan chat sayo “SEND NUDES” bwisit yang mga ganyan!! Tapos eto pa sa hindi naman tayo poser! Girls? Hello kung nababasa nyo to at may nanliligaw sa inyo ngayon na gamit ang facebook or text tapos pag dating sa personal d ka nya makausap BUSTEDIN mo agad kung wala syang tapang ligawan ka sa harap ng magulang mo ee wala din yang tapang na mag stay sayo ng matagal baka pag nakakita ng iba yan iwanan ka agad nyan! Kaya mga bhessy kong mahal! Like I said Think Twice! Wag maging tanga Bantayan ang puso sa mga masasamang loob piliin ang karapatdapat dito hindi yung napulot mo lang sa mga social media.

Magisa

Mag-isang Umibig

Isa sa mga katangahan ng mga umiibig ngayun ee ay ang umibig ng MAG ISA. Selfish kung baga hays Bakit nga ba tayu umaasa sa isang bagay na alam naman natin na hindi mapapasaatin “ee wala ee mahal ko ee” mga linyang laspag na “tiwala lang mamahalin din ako nyan” HOOO! BES TAMA NA ANG PAG IILUSYUN! Sa dinami dami ng tao sa mundo ung taong wala pang kapag asang maging sayo ang minahal mo! Ang hirap diba ang hirap kalimutan ang isang bagay lalo na napamahal sayo pero kailangan natin tumingin sa paligid para Makita ang liwanag at malayu sa dilim! HAHAHA  Malay mo ung katabi mo yun pala FOREVER mo! Tsee aasa ka nanaman walang FOREVER! Basta payo ko sayo! WAG KANG TANGA! AkalaAkala mo kayo? Kaibigan ka lang pala.

Ito yung isang dahilan kung  bakit dumadami ang AMPALAYA sa mundong ibabaw yung feeling nila kasi sakanila na yung isang bagay na hindi naman talaga sakanila kaya ang ending NGA NGA! Nag pakabait lang kasi sayo feeling mo may feelings na sya sayo hindi ba pwedeng malandi or sadyang mabait lang talaga yung tao! Minsan mas maganda kung di tayo umaasa or nag aassume sa isang bagay lalo na kung pag-ibig ito. Masakit ,madugo at nakakabaliw ang masaktan lalo na kung WALANG KAYO!

Kayo ngaKayo nga? Mahal ka pa ba?

Oh well karaniwan naman to sa relasyon ee lalo na kung tumatagal na may pag kakataon talaga na manlalamig ang pagmamahal nya sayo pero nasasayo naman yun kung paano mo  to paiinitin ulit! (OPPS! Iba ibig kong sabihen ha.)Pero kung kasing lamig naman na ng Antartic yung pag mamahal nya sayo! Yung tipong wala ng paramdam ni hanihoy kahit tanong man lang “Babe kumain kana”(Pwe) ee wala na Think twice! Kapag ganun tanungin mo na sya kung mahal ka pa ba nya hindi yung umaasa ka na meron ka pang BABE sa tabi mo! Oo mahirap mag tanong sa mga bagay na ayaw mo naman malaman ang sagot. Pero mas masakit umasa na mahal ka pa pala nya yun pala hindi na may nilalandi na sya sa tabi nya! Kaya BESSHY! WAG TANGA!

nahuliNahuli mo na, Ok pa din?

So sa lima ko atang sinulat ngayun eto ata ung mga pinakamalala sa pagmamahal este sa katangahan. “Bakit mo pa patuloy minamahal ang isang taong nanakit sayo” “ee keshe poehsxz mehel ko ee” hulol laspag na yan walang ganyan katangahan tawag dyan mahal mo nga ee sya ang tanong mahal ka ba ? “Oo” hah mahal ka ee nagawa ka ngang nyang lokohin at saktan “He deserve a second chance naman siguro” Tandaan mo kung mahal ka nyan kahit nakahubad na babae ang nasa harap nyan iignore nya un  “kung mahal ka” .

Ok may mga lalake naman siguro deserve ang second chance sige  nag bago sya dumating panahon napatawad mo sya binigyan mo ng second chance pero ayan nanaman sya nag loko sinaktan ka umiyak sa harapan mo huminge ng sorry PINATAWAD MO NANAMAN! Aba J ang galing dumating panahon ayan nanaman ganun nanaman ang nangyare papatawarin mo pa ba ? syempre oo mahal mo ee o wait d pala tanga ka pala un un! Hahaha

Minsan kailangan mo I let go ang isang  tao para malaman mo kung kayo talaga mag tiwala ka sa Panginoon? everything happen for a reason (ika nga nila)  ang gawin mo mag-aral ka mag trabaho tulungan ang pamilya syempre wag mong kalimutan na paglingkuran SIYA for sure lahat ng bagay ibibigay nya sa sayo lahat ng katangian ng lalakeng gusto mo dadating yan sa tamang oras ? . Kaya wag matakot mag let go madaming tao sa mundo hindi ka muubusan. Wag kang mag pakatanga sa isang tao baka hindi mo na makilala yung taong dapat sayo. Darating yan tiwala lang 🙂

(Visited 95 times, 1 visits today)