Tanga Love Quotes

Tanga sa Pag-ibig

Best Tanga Love Quotes

Ano ba ‘to? Ikaw na naman iniisip ko! Kaya ang hirap makatulog sa gabi e! Di kita makalimutan. Pero nakakatulog din ako. Alam mo kung paano? Sinasabi ko, “Tanga! May mahal na yun! Tulog ka na!”

Sabi ko noon, buti na lang di ko sinabi sayo na mahal din kita at least lumayo ka man, I still have my pride with me. Pero mali pala ako. Sana pala inamin ko na sayo ang tunay kong nararamdaman. Baka sakali hanggang ngayon mahal mo pa ako at nandito ka sa piling ko.

Gusto kita, alam mo ba? Hindi? Tanga! Miss kita, pansin mo? Hindi? Tanga! Love kita, halata ba? Hindi? Tanga! May mahal ka kasing iba. Ay! Ako pala tanga!

Kahit ano palang gawin ko, baliwala na, kasi nandiyan na sha. Kahit ano palang sabihin ko, walang kwenta, kasi meron ka nang iba. Pero alam mo, kahit ganon kasakit, nandito pa rin ako para patunayang dapat ako ang pinili mo.

Diba masakit kapag inagawan ka? Diba masakit kapag niloko ka? Diba masakit kapag pinaasa ka? Pero mas masakit kung umiwas sha kahit na ramdam na ramdam mong mahal ninyo ang isa’t isa.

I saw you one day, you were crying. I came up to you and asked why tears fell on your face. You said, “Walang nagmamahal sa akin.” Ump! Inumbagan nga kita! I said, “Anong tawag mo sa akin?”

Bakit ganon? Alam mong mali pero di mo magawang itama. Alam mong bawal pero andyan ka pa rin. Nakadapa ka na ayaw mo pa ring bumangon. Kailan nga ba magiging tama ang mali sa pag-ibig?

Alam mo, mahal kita. Gulat ko noh? Matagal na yun. Manhid mo kasi e! Ay, di pala! Busy ka lang sa kanya. Ok lang, I understand. Friend mo naman ako e, friend mo lang.

I don’t want to see you happy for a moment, but always. I never want to see you crying even for just a second. But if it’s the only way to ease the pain in your heart, wag ka pa rin iiyak, ako na lang.

Sabi nila kapag mahal mo ang isang tao, matututo kang pakawalan sha. Kung sayo, sayo. Kung hindi, hindi. E paano ko iisiping pakawalan ka? E ikaw nga yung dahilan kung bakit ako nagmamahal.

Kahit anong tindi ko magdasal, isa lang akong sirang nangangarap sayo. Alam ko na di mo ko mahal at di ka magiging akin. Isa kang panaginip na di ko maabot kasi lahat ng pinapangarap mo, kahit kailan, di magiging ako.

Akala ko kaibigan ka lang talaga. Hindi ko napansin unti-unti na akong napamahal sayo. Tanga ko! E may mahal ka namang iba! Hindi bale, habang buhay na lang akong magpapakatanga.