Nakatira ka sa isang barangay na puno ng CCTV at mapanuring mga mata? Relate ka dito!

Ang daming bubuyog sa barangay... bbuuuuzzzz!!

Yung lalabas ka nang nakaporma tapos mapapansin ka ng mga madadaanan mo? Meron pang maglalakas-loob na magtatanong kung saan ka pupunta. Ikaw naman na nakikisama sa kanila, ngingiti ng plastik at sasabihing “Dyan lang po.” I mean, bakit nyo po tinatanong? Sama po kayo? Tara po.

Minsan magdadala ka ng kaklase o ihahatid ka ng kaibigan. Kung makatingin akala mo may ginagawang masama sa kalsada, diba.

Hindi ka lang lumalabas ng bahay, buntis ka na agad tapos tinatago mo lang?

Ginabi ka lang ng uwi, nagrerebelde ka na agad?

May kasama ka lang na lalaki, malandi agad?

Sana okay lang po kayo. Haha.

Mawalang-galang na po pero mali po yung tsismis nyo. Hahaha. For more blogs, visit reklamador.com! Happy reading!