Best Tagalog Quotes Para Kay Crush!


“Best Tagalog Quotes Para Kay Crush!”

Pangarap Quotes

“Ang crush hindi dapat pinapaiyak, kasi sa unang parte nanligaw/nagpaligaw ka kasi pinangarap mo siya.”ย 

“Tama nga naman. Ang daming magaganda at mabubulaklak na mga salita ang sinabi mo kay crush nung mga panahong nililigawan/nagpapaligaw ka sa kanya, pero nung naging kayo daig mo pa ang Pipi sa sobrang tahimik mo. Tanong ko lang patay na ba ang pagmamahal mo sa dating pinangarap mo ng husto?”

“Kung yan nga ang iyong dahilan. Sa umpisa pa lang hindi kana umibig. Kundi ang naramdaman mo sa kanya ay ang pagnanasa kung saan ninais mo lang siya dahil sikat, maganda o gwapo siya. Dahil ang tunay na pagmamahal hindi yan nabubura ng panahon o kahit humanap ka pa man ng ibang pagbibigyan mo ng iyong atensyon.”

“Ang Love & Crush parang sugal.”

“Minsan talo, minsan panalo, minsan tiba-tiba minsan bawi lang. Pero alam mo kung ano ang masakit? Ang makita mong panalo ka na sana. Kaso hindi ka tumaya. Ang sakit diba? dahil mas inuna mo pa ang pagiging torpe mo kesa ang pagiging mabuti mo sanang mangingibig sa kanya”

“Yung sana ginawa mo na agad ang lahat, kesa naman tsaka ka pa lang gagawa ng paraan kung alam mong wala ng pag-asa dahil meron ng ibang nanalo. hanggang mapapatanong ka na lang sa iyong sarili na sana. Na sana. Na sana tinibayan ko ang aking loob para din sa aming dalawa. Kaya ngayon nag-iisip na lang akong mag-isa kung pano ko tatanggapin ang mga pagkakamaling di ko dapat ginawa. Mabuti pang naging tanga ako at least kahit walang pag-asa may nagawa ako. Hindi tulad ngayon na kahit alam kung ako ang mananalo sa huli di ko pa rin pinaglaban ang pangarap na para sa aming sarili.”

“Pag may crush ka sa friend mo at di mo alam kung paano itatago.”

“Yung Pang nangugnulit siya “Deadma Lang”,Pag lumalapit siya “Wala Lang”,Pag naglalambing siya “Hays! Wag ako”,Pag nagbibirong mahal ka niya “Parang walang narinig”, Pero deep inside gusto mo din namang sabihing “Mahal na nga kita ganyan ka pa.”

“Sana lahat ng epekto ng pag-ibig ay purong kasiyahan, yung tipong walang katapusan. Pero imposible pa ding mangyari yun. Kasi alam ko namang ang pag-ibig lalo lang nararamdaman kung may mga panganib o problemang dumadaan. Dun mo malalaman kung sino ang tunay na nagmamahal at ang hindi.”

Bagsak Quotes

“Ang crush parang math problem lang yan. kung hindi mo makuha, titigan mo na lang.”

“Yung sa mga panahong nararamdaman mong nahuhulog ka na ng tuluyan sa taong alam mong wala kang pag-asa kundi hanggang tingin at imagine ka na lang.kaya nag desisyon kang magmove-on para di na matuloy ang sakit at paghihirap ng iyong puso para sa taong mahal mo pero para sa kanya isa ka lang normal na tao na araw-araw niyang nakikita.”

“Mahirap talagang magmahal ng tao na di kayang ibalik sayo ang pagmamahal mo. Pero diba kapag nagmamahal ka naman dapat hindi ka nag eexpect ng may kapalit. Pero sabi din ng iba kung nagmamahal ka natural lang na maghihintay ka ng kapalit dahil bukod sa kasabihang wala ng libre ngayon sa panahong ito ay kaya ka nagmamahal dahil para mahal ka din. Kasi nagmamahal ka dahil mahal mo ang iyong sarili. kaya crush kung mahal mo ang iyong sarili ano pa ba ang hinihintay natin? magmahalan na tayo hanggang bukas ๐Ÿ™‚ Opps unlimited ang bukas ๐Ÿ™‚ย ”

“Yung feeling na crush na crush mo siya, tas nung lalapitan mo siya bigla na lang yayakapin ng iba.”

“That feeling” Yung mga panahong mabait ka pero kakalimutan mo para lang makasapak ng iba, Pero syempre echos mo lang yun at iniisip mo lang kahit alam mo di mo magawa. Wala lang hahaha pantanggal asar dun sa demonyong nakalingkis sa pinapangarap mo.

“Sana ako na lang siya! Sana di ako nahuli para sa kanya! Sana kaming dalawa na lang! Sana ako na lang! Sana may pag-asa pa! Ayaw kong masaktan si crush pero ok lang naman siguro yun para mag break sila. Kasi alam ko namang ako ang tamang lalaki para sa kanya at wala ng iba pa”

“Tandaan mo may EXPIRATION DATE ka din sa puso ko.”

“Pero pag umabot hanggang 4 Months na ikaw parin ang INSPIRATION ko. Ibigsabihin nun hindi na kita crush, kasi. Mahal na kita! Tandaan mo yan. Kaya crush sana pagdumating ang mga araw na yun dapat single ka pa din para di masugatan ang puso kung
nagmamahal ng isang diwatang kasing ganda ng aking magiging kasintahan.”

“Kaya wag ka ng mag-alala pa crush papatagalin ko naman hanggang 4 Months eh kasi alam ko din namang yun ang gusto mo at lagi mong hinihiling tuwing 11:11 ng gabi ๐Ÿ™‚ Pero isa lang sana ang hinihiling ko sayo. Na sana magkatotoo lahat ng mga ini-imagine ko. Na tayo :)”

Broken Hearted Quotes

“Dear Crush, alam kung imposibleng maging tayo kaya nagdesisyon akong “Wag sabihin at magmove-on na lang” #RealTalk

“Sa panahong binigay mo na ang lahat-lahat pero hindi mo parin makuha ang sagot, siguro panahon na para tigilan mong mag-isip at pahirapan ang iyong sarili sa problemang pwede mo naman pabayaan at tingnan na lamang. Kesa magpakahirap-hirap ka na parang lang makuha ang sagot kahit alam mo namang sa bandang huli ganun pa din ang resulta.”

“Pero Minsan sumasagi pa rin sa aking isipan na. Kung pinagpatuloy at pinadama ko sayo ang aking pagmamahal magkakaroon kaya ng isang himala, kahit hindi galing sa tala basta magkaroon lang ako ng pag-asa. Siguro mali din ako dahil hindi ko ginawa ng maayos ang parte ko. Ang parte kung ipakita at iparamdam sayo na mahal na mahal kita”

“Crush isa lang ang mapapayo ko sayo. Parang mas masarap pakinggan ang salitang Tayo kesa Kayo ๐Ÿ™‚ Suggest lang.”

“Yung may naisip kang magandang ibabanat sa crush mo at alam mong gagana pero bigla mong naisip na torpe ka nga pala. Oh yeah Damn! Pero syempre iisipin mong sayang ang pagkakataon at ang mga inisip mong Lines kaya lalapit ka sa kanya at sasabihin ang mga salitang iyong naisip pero imagine mo pa rin pala. #Torpeismorethancancer”

“Pero sana pinag-isipan mo din ng mabuti ang aking mga mensahe, na talaga namang aking pinag-ipunan ng lakas ng loob para lang ito ay masabi. Mahalin mo sana ako crush pero sana yung more than friend ๐Ÿ™‚ Nagmamahal, TorpengAkoย ”

“Pag ang lalaki may crush bigay ang lahat respeto, pagmamahal pati na din pera. Pag ang babae may crush kunting landi lang Ok na”

“Maraming nagsasabing mas maswerte daw kaming mga lalaki dahil kung may crush daw tayong mga lalaki e pwede nating ligawan, pero kapag babae naman daw hanggang tingin lang. Sa tingin ko walang matotohanan anglahat ng mga sinasabi ninyong mga babae dahil katulad na lang ng ginawa ni bess kunting landi ayun nakuha na siya si mrpapogi.com”

“Hindi lamang ang lalaki pagdating sa pag-ibig, Dahil parehas lang naman tayong nagmamahal mapababae man o lalaki. kaya hindi totoo yung kasabihang “Buti pa ang lalaki pag may gusto o crush pwede naming ligawan, pero ang mga babae pag may crush hanggang tingin lang” Bakit ba? hindi nga kami nagrereklamo e. Dahil kami kung manliligaw buhos lahat ng pagmamahal, Oras, Respeto at mismong pang laro namin pang DOTA nadadamay. Pero kayo kung may gusto kayong makuha ayun kunting landi lang! Ok na!”

“Dear Crush Wag kang abusado dahil pinapaalala ko lang maraming kayo. -Nagmamahal, Malanding ako”

“Kaya sana crush wag kang masyadong assuming lalo na kung nagkakasalubungan tayo, at kung nakikita mong kilig na kilig ako.
Dahil malay mo si bess mo pala ang iniisip at tinitingnan ko ng bonggang-bongga.

Kaya wag kang masyadong abusado sa paghuhusga at pagsabing patay na patay ang puso ko sayo dahil tandaan mo marami
akong puso dahil hindi lang sayo patay na patay ang mga puso ko. #maraming kayo.”

“Maraming salamat sa inyong pagbabasa sa mga hugot at mga patamang aking sinulat! Sana patuloy ninyong suportahan at mas lalo pang suportahan ang aming blogs! Para sa mas marami at mas magagandang Quotes and Sayings na tiyak na inyong magugustuhan ng Bonggang-bongga!”

-johnlester/kews

(Visited 242 times, 2 visits today)