10 Signs na nagche Cheat sayo ang taong mahal mo


“10 Signs na nagche-Cheat sayo ang taong mahal mo”

                May kasabihan tayong “ Walang Manghihinala, Kung walang kahinahinala”. Habang patagal ng patagl ang inyong relasyon, dun mo makikila ng lubos ang taong mahal mo. Unti-unti mong mararamdaman ang mga pagbabago sa mga ikinikilos nya. O kaya mararamdaman mo na may ginagawa siyang masama sa likuran mo ng hindi mo namamalayan. Narito ang sampung signs kung paano mo malalaman kung nagche CHEAT sayo ang taong mahal mo.

Signs na nagche Cheat ang taong mahal mo

  1. May Secret Chat or Textmate!

                Lagi siyang may katext o kachat online na hindi mo malaman kung sino ba yung kinakausap niya. Tapos kapag tinanong mo kung sino ang katext o kachat nya, magagalit agad siya sayo at sasabihin niya sayo “wala ka bang tiwala?” kaibigan ko lang yun, masyado ka naman mag-isip. Kadalasan meron pa siyang isang cellphone pero hindi niya ito sinasabi sayo.

 

  1. Laging may password ang cellphone!

                Hindi nawawalan ng password ang cellphone niya. At kung minsan papalit palit pa ito. Hindi mo rin makikitang iniiwan niya ito kung saan saan, kadalasan nasa bulsa niya lang ito o kaya naman nasa tabi  niya at minsan dala pa niya hanggang sa banyo.  Kase nga may mga bagay siyang itinatago sayo.

Signs na nagche Cheat ang taong mahal mo

  1. Laging Busy at walang Panahon sayo!

                Sa halip na magchat o magtext siya sayo, meron siyang ibang ginagawa na tinatago niya sayo. Yung tipong sasabihin niya sayo na marami siyang ginagawa pero ang totoo, may kachat o katext lang siyang iba. Tapos pag niyaya mo siyang lumabas, marami lagi siyang dahilan. Kase nga may iba na siya at wala na siyang pahanon sayo.

 

  1. Marami siyang excuses or inconsistent!

                Kapag ang isang tao nagloloko hindi na ganun kadali ang time management niya. Marami lagi siyang excuses at adalas lagi siyang late sa lakad niyo o kaya naman late umuwi at minsan hindi na kakauwi o kaya irere-schedule niya ang lakad niyo kase kunyari may gagawin siyang importante pa kesa sayo.

Signs na nagche Cheat ang taong mahal mo

  1. Laging may Biglaang Lakad!

                Minsan magugulat kana lang kase meron siyang mga biglaang lakad. Sasabihin niya sayo “may aasikasuhin lang akong importanteng bagay. Tapos pagkaalis niya, biglang malolowbat cellphone niya o kaya naman walang signal sa pinuntahan niya. Tapos paulit ulit na niya itong gagawin, kase nga meron na siyang iba.

  1. Super delay magreply or madalas mawrongsend!

                Madalas hindi agad siya nagrereply sayo kase kunyari may ginagawa siya pero ang totoo may katext o kachat lang siyang iba. Pero ang mas matindi kung magmessage siya sayo pero wrong send naman. At kung minsan ibang pangalan pa ang nakalagay, kaya kadalasan nahuhuhli sila na meron na pala silang iba.

Signs na nagche Cheat ang taong mahal mo

  1. Biglang nagagalit tapos Biglang Babait!

                Depende ito sa sitwasyon, minsan may mga taong biglang nagagalit kase gusto nilang umiwas sayo. Aawayin ka nila sa maliit na bagay para magkagulo kayo, tapos iiwas siya sayo kase nga magkagalit kayo. Yun yung paraan niya para makapunta sa iba. Tapos biglang babait at magiging sweet sayo para hindi mo siya mahalata at hindi ka magduda sakanya.

 

  1. Madalas naiirita siya sayo!

                Kadalasan naiirita siya at minsan pinagmumulan pa ito ng gulo, lalo na kapag tinatanong mo siya kung mahal ka pa ba niya. Syempre sasabihin niya “ OO, Mahal kita!” pero ang totoo, napipilitan lang siyang sabihin yon, kase nga may iba na siya, hindi niya lang masabi sayo yung totoo.

Signs na nagche Cheat ang taong mahal mo

  1. Wala ka ng halaga para sakanya!

                Ito yung pakiramdam na parang wala ka ng halaga sa kanya. Yung tipong binabalewala at pinapahirapan kana lang niya, para bumigay at sumuko kana. Dahil hindi niya masabi sayo ng diretso na wala na siyang nararamdaman para sayo. Kase meron na siyang ibang mahal.

 

  1. Magkikipag cool off na siya sayo!

                At ang huli, ito yung pinakamatindi. Makikipagcool off na siya sayo, hindi ka niya papansinin at hindi na rin siya magpaparamdam sayo. Tapos mabibigla kana lang sa malalaman mo na may bago na siyang karelasyon. Ganun naman talaga sila, sa una lang magaling pero sa huli, IIWANAN KA RIN!

Salamat sa pagbabasa at pagbisita sa aming blog. At para sa mga bagong tips, hugot, patama lines o quotes at iba pa. Patuloy lang pong bisitahin ang aming blog site at ilike din ang aming facebook page REKLAMADOR.COM.

(Visited 353 times, 2 visits today)
loading...